Glaiza de Castro, ang bituin sa palabas na "Contessa" ng GMA Television ay bumisita sa Australya at gumugol ng siyam na araw sa Sydney at Melbourne.
Siya ay nag-skydiving at trekking at sinubukang mag-surfing sa Bondi Beach. Nagawa din niyang magpunta sa Manly Beach, Lincolns Rock, Hosier Lane Street Art, at Brighton Bathing Boxes.
Sa kanyang maikling pagbisita, nakapanayam namin si Glaiza sa SBS Filipino upang ibahagi ang kanyang byahe at pag-usapan ang kanyang palabas sa telebisyon. Napakinggan din namin ang kanyang pagkanta ng "Sinta" mula sa kanyang album, Magandang Simulian.
Panoorin and kabuuang video: