Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Philippines' Duterte: 'I do not have cancer'

Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang sakit na kanser, ilang araw matapos niyang aminin na sumailalim siya sa mga tests sa isang pribadong ospital.

Rodrigo Duterte

President Rodrigo Roa Duterte, in his speech during a dinner he hosted for the Philippine Military Academy Alumni Association. Source: ALFRED FRIAS/PRESIDENTIAL PHOTO

Sinabi ni Pangulong Duterte na negatibo ang naging resulta ng mga cancer tests, ilang araw matapos niyang ipahayag na sumailalim siya sa isang medical checkup. 

“If you mean was I found positive of cancer? No, it’s not the colon. It’s my Barret’s [esophagus]. It’s badly eroded because I was told to stop drinking years ago," sinabi ni Duterte sa mga reporter sa isang chance interview. 

"As of late, bumalik kasi ako (I went back to the habit). I don’t know for one reason or another, I just like to drink, brandy po. Ngayon sa totoo (Now actually), before I sleep, even if I’m alone, nag-three shots ako bago matulog (I have three shots before I sleep),” dagdag niya. 

Ayon sa Pangulo, pumayag siyang sumalilalim sa mga test para lamang pagbigyan ang kahilingan ng kanyang pamilya.

"If it were up to me, I do not need...I don't fear...I don't care," sabi niya.

Itinanggi din ni Duterte na pumunta siya sa Hong Kong para sa isang medical test noong nakaraang katapusan ng linggo nang siya ay nakitang namimili kasama ng kanyang partner at bunsong anak na babae. 

Inihayag ng acting interior secretary ni Duterte sa mga reporter na nagsabi ang pangulo tungkol sa kanyang kalagayan sa isang pagpupulong nila noong Lunes ng gabi. 

"He disclosed to us that the result of the test was negative, the one where they took samples from his intestines," sinabi ni Eduardo Ano sa mga reporter sa isang kaganapan na naka-post sa Facebook live ng mga local news agency.

 

Ang pagpupulong ay nauna nang ipinagpaliban dahil kinailangang bumisita ng pangulo sa ospital, nang pinayuhan siya ng kanyang mga dokto na ulitin ang digestive tract procedures, tatlong linggo pagkatapos magsagawa ng kaparehong tests. 

Ang kalagayan ni Duterte ay "hindi naman malala" at mananatiling confidential, sabi ng tagapagsalita na si Harry Roque, sa isang news briefing. 

Nakasaad sa saligang batas na dapat malaman ng publiko ang kalagayan ng kalusugan ng kasalukuyang pangulo, kung seryoso ang kondisyon nito. 

"The constitution says that you must let the people know, but the procedure is not to go direct to the people. The cabinet should be the one to decide if you are fully incapacitated to discharge the functions of your office," sabi ni Duterte.

Ang kalagayan ng kalusugan ni Duterte ay madalas na tampulan ng mga haka-haka matapos siyang hindi lumabas sa publiko ng halos isang linggo, ngunit pinabubulaanan naman ng kanyang mga aide ang mga sabi-sabi hinggil sa kanyang kondisyon.

Follow SBS Filipino on Facebook


3 min read

Published

Presented by Roda Masinag

Source: Reuters



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now