Sa kabila ng kotrobersyal na kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga, na kumitil ng libo-libong buhay, nagsabi ang Pangulo na gumagamit siya ng marijuana para manatiling gising sa mga mahabang pagpupulong sa rehiyon. Binawi naman agad niya ang kanyang sinabi at nagpahayag na isa lamang itong biro.
Nasabi ng Pangulo ang pahayag na ito noong Lunes sa isang seremonya ng parangal kung saan inilahad niya ang mga nangyari sa kanyang pagdalo sa isang pagpupulong ng Association of Southeast Asian Nations sa Singapore at nabanggit din niya kung gaano siya napagod.
Sinabi ng 73-taong gulang na si Duterte na gumagamit siya ng marijuana para manatili siyang gising. Nang maglaon, sinabi niya sa mga reporters na nagbibiro lamang siya.
Ayon sa datos ng pulisya ng Pilipinas, mahigit 4800 na suspek ang napatay sa kampanya ng gobyerno laban sa droga nang magsimula ito noong Hulyo 2016 at mariing kinokondena ng mga rights group at sinasabing ang mga ito ay extrajudicial executions.
Share
