Pangulong Duterte nangakong 'hindi niya tatantanan' ang giyera kontra-droga

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikatlong State of the Nation Address o (SONA), at nanumpang ipagpapatuloy niya ang kanyang pakikipaglaban na puksain ang ilegal na droga, kung saan libu-libo ang namatay.

Philippines President Rodrigo Duterte.

Philippines President Rodrigo Duterte. Source: Getty Images

Nanumpa si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address o (SONA) na ipagpapatuloy niya ang kanyang pakikipaglaban sa ilegal na droga, kung saan libu-libo ang namatay. 

Sinabi ni Duterte sa isang joint session ng Kongreso noong Lunes na ang anti-narcotics campaign, kung saan siya nakilala, ay "hindi pa matatapos," at ito ay patama niya sa mga aktibista at mga kalaban nya sa pulitika na nais siyang panagutin sa mga libu-libong pagpatay. . 

"Your concern is human rights, mine is human lives" sabi niya, at idinagdag niya na ang kanyang kampanya laban sa ilegal na droga ay naglalayong protektahan ang publiko na iiwas ang mga kabataan na malulong dito at makasira ng pamilya.
Protesters rally against killings in the war on drugs
The Philippines has told the UN there have been no new wave of killings in its war on drugs. (AAP) Source: AP
Simula nang maupo si Duterte bilang presidente, ang pulisya ay responsable umano sa pagpatay sa mahigit 4500 katao na pinaghihinalaang nagtutulak ng droga at nanlaban nang maaresto. Sinabi ng pulisya na marami pang pagkamatay ang pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga, at mga vigilante o karibal na mga miyembro ng gang. 

Ang mga grupo ng karapatang pantao na nabahala sa mga pagpatay ay nagsabi na karamihan sa mga ito ay "summary executions" na kagagawan ng mga pulis, na sistematikong sinusugpo ang mga gumagamit ng bawal na gamot sa pinakamahihirap na komunidad. Mahigpit na pinabulaanan naman ng pulisya ang mga nasabing paratang. 

Sinabi muli ni Duterte na ang kanyang foreign policy ay walang kinikilingan sa sinumang may kapangyarihan, ngunit ang pakikipagugnayan nito sa Tsina ay muling binuhay, na nagdulot ng unprecedented cooperation sa labanan sa transnational crime at pagbubunyag ng mga ilegal na laboratoryo o gawaan  ng droga. 

Subalit hindi magiging kapalit ng pakikipag-ugnayan na ito ang territorial integrity at pang-ekonomiyang interes ng Pilipinas sa South China Sea, dagdag niya. 

Binasa ni Duterte ang kanyang inihandang 50-minuto na talumpati, at hindi katulad ng kanyang nakaraang address, na sa kalaunan ay di nya sinunod ang kanyang script. 

Hiniling niya sa Kongreso na ipasa ang batas na magbibigay ng wastong kontrata sa milyun-milyong katao na may short-term employment, na magproprotekta sa kapaligiran at magkakaloob sa mga Muslim minority ng right to self-rule. 

Libu-libong kababaihan, estudyante, mga aktibista at grupo sa simbahan ang nagtipon sa labas ng Kongreso upang tuligsain ang sinasabi nilang anti-poor policies ni Duterte at malawakang pang-aabuso sa karapatang pantao. 


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand