Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pangulo ng Pilipinas Rodrigo Duterte binago ang tayo sa same-sex marriage

Ang Pangulo ng Pilipinas ay bumaliktad -- pagkatapos mangako na susuportahan niya ang marriage equality noong panahon ng kampanya ng pagka-pangulo.

PHL President Rodrigo Duterte

Source: AAP

Ang Pangulo ng Pilipinas Rorigo Duterte ay tila di na susuportahan ang same-sex marriage -- kahit pa man dati siyang nangako na isasa-alang-alang ang isyu.

Sa isang porum bago maganap ang halalan noong nakaraang taon, sinabi ni Duterte na mayroong "error in the Bible," (mali sa Bibliya)  at ang mga kasal ay para kay  “Adam, Eve and the gays.” (Adam, Eva at mga bakla't tomboy)

Subalit  sa isang talumpati sa maliit na komunidad Pilipino sa Burma ngayong linggo -- sinabi ni Duterte na ang gay marriage  "won't work for us". (hindi uubra para sa atin)

"Tayo ay mga Katoliko, at mayroong batas ng lipunan na nagsasabing tanging lalaki lamang ang makaka-pag-asawa sa isang babae," pahayag niya. "Iyan ang batas sa Pilipinas."

Binatikos din niya ang komunidad ng transgender, at pinansin ang kamakailang isyu ng Time magazine na tampok ang isang transwoman sa kober.

"Iyan ang kanilang kultura" pahayag niya, tinutukoy ang kanluraning bansa,"Iyon ay para sa kanila. Hindi nila puwedeng pairalin sa atin dahil tayo ay mga Katoliko."

Binanggit niya ang ilang miyembro sa kanilang pamilya na bakla, subalit idiniin niya na kung ano ang plano ng Diyos para sa iyo, manatili siya roon.

Dati nang sinabi ng kontrobersyal na pangulo ang mga punang homophobic  hinggil sa Punong Lakansungo ng Estados Unidos Philip Goldberg at sinabing, "mayroon na akong argumento sa kanilang baklang ambassador, ang anak ng puta. Binuwisit niya ako."

Sa isang pagtatanong noong 2013, 73 porsyento ng mga Pilipino ay naniniwalang ang homosekswalidad ay dapat tanggapin sa lipunan subalit wala pa ring mga batas laban sa diskriminasyon para sa komunidad ng LGBT at same-sex couple na hindi maka-pag-asawa o mag-ampon.

 


2 min read

Published

By Michaela Morgan

Presented by Ronald Manila



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now