Pilipinas nagtala ng pinakamataas na bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa loob ng isang araw

Naitala ng Department of Health (DOH) ang higit 400 bagong kaso ng namatay sa COVID-19 noong Biyernes. Ito ang pinakamataas na bilang ng namatay sa Pilipinas sa loob lamang ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya.

Coronavirus

Illustration by the Centers for Disease Control and Prevention showing the Coronavirus (Source: AAP) with DOH Logo Source: AAP and Logo from DOH Facebook

Sa ulat ng Reuters, naitala din ng DOH ang dagdag na 12,225 na bagong impeksyon.

Sa kanilang bulletin, sinabi ng DOH na pumalo na sa 840,554 ang kabuuang kumpirmadong kaso sa buong bansa.

Habang 14,520 ang kabuuang na bilang ng mga namatay.

946 ang bilang ng bagong mga gumaling sa sakit.

Sa kabuuan, 647,683 ang bilang ng lahat ng naka-rekober.

Nasa 178,351 na ang aktibong kaso ngayon.


Share

Published

Updated

Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand