* UPDATE: Tinanggal na ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr ang birth certificate requirement para sa mag-rerenew ng pasaporte. Sa isang tweet, sinabi din niya na "Data is not run-away-able but made inaccessible. Access denied,"
Habang iniimbestigahan ng pamahalaan ang alegasyon ukol sa data breach, inihayag din nito ang opinyon nito ukol sa birth certificate requirements sa pagkuha ng bagong pasaporte.
Ayon kay Presidential Spokesman and Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, "The ongoing practice is not only cumbersome to everyone affected but is a form of red tape which this administration frowns upon and will not tolerate.
Saad niya, dapat sapat na ang lumang pasaporte para ma-renew ito, at hindi dapat ang mga aplikante ang nahihirapan "just because the producer lost their relevant data."
Sa isang tweet, inilahad ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr na may isa daw contractor na kumuha ng passport data.
"Not only is it a threat to national security but also a threat to our identities," saad ni Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde.
Sa kabilang banda, saad ni Mr Panelo, "We don't even know if the data is gone or not. Maybe it's just there."
Share
