Ang reklamo para sa paglabag ng saligang batas at pagkanulo sa pampublikong tiwala ay ipina-abot ni Abugado Oliver Lozano sa upisina ng Ispiker ng Mababang Kapulungan Pantaleon Alvarez, isang masugid na kakampi ni Pangulong Rodrigo Duterte. Si Alvarez ay may ilang araw para pag-aralan kung isasampa niya ang kaso o hindi.
"She is the termite of the government," (Siya ang anay ng pamahalaan), pahayag ni Lozano sa sulat na humihingi ng endorso sa anim na pahinang reklamo.
Si Robredo, na hindi miyembro ng partido ni Duterte na nahalal mula sa iabng partido, ay nalagay sa problema pagkatapos niyang batikusin ang digmaan sa droga ng popular na Pangulo sa isang bideyo na ipinadala sa United Nations o UN.
Sinabi ni Akvarez, ito ay napaka-iresponsable
"Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isang mataas na opisyal ng pamahalaan ay nagpadala ng bideyo na sinisiraan ang bansa", pahayag niya sa isang panayam sa radyo kahapon.
Ang abugado ni Robredo, Barry Gutierrez, ay tiwala na walang nagawang masama si Robredo. "Truth-telling can never be an impeachable offence," (Ang pgasasabia ng totoo ay hindi isang kaso para ma-impits," sabi niya sa mga reporter.
Lumabas ang reklamo sa gitna ng masugid na pag-aaway ni Duterte at ng kanyang mga loyalistang taga-sunod at ang Oposisyon na Partido Liberal at kanilang mga kakampi.
Ito ay isinampa apat na araw pagkatapos magsampa ng reklamo ng impitsment ang kinatawang Gary Alejano sa mababang kapulungan laban kay Duterte, na inaakusahan siya sa maraming kaso kasama na roon ang conflict of interest at pag-tatago ng mga asset hanggang sa pamamatay labas sa batas (EJK)
