Watch FIFA World Cup 2026™ LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Pinay nurse, isa sa mga tumanggap ng George Cross award sa UK

Pinay nurse na kumatawan sa National Health Service (NHS) sa United Kingdom, isa sa tumanggap ng George Cross award. Ang parangal ay iginawad sa mga healthcare workers sa bansa bilang pagkilala sa kanilang 'katapangan' at 'lakas ng loob'.

May Parsons, Pinay, nurse, George Cross

Filipina nurse receives the George Cross medal on behalf of National Health Service in the UK. Source: The Royal Family

Isa ang Pinay nurse na si May Parsons, na nagbigay ng pinakaunang aprubadong bakuna sa buong mundo kontra COVID-19 na kumatawan sa National Health Service (NHS) sa United Kingdom para tumanggap ng George Cross award na iginawad ni Queen Elizabeth II noong Martes, Hulyo 12. 

Ayon sa tweet ng The Royal Family, ang George Cross award ay maituturing na pinakamataas na parangal sa isang sibilyan sa United Kingdom. 

"It is with great pleasure on behalf of a grateful nation, that I award the George Cross to the National Health Services of the United Kingdom,” pahayag ng Her Majesty, The Queen sa nasabing tweet. 

Tumanggap ng apat na George Cross medal ang organisasyon kung saan kabilang ang Pinay nurse na si May Parsons. 

“The George Cross is a really wonderful recognition of the bravery of our staff, of the courage that they’ve displayed throughout, and also their passion and compassion in everything that we do, and putting our patients first,” ito ang naging pahayag ni May matapos tanggapin ang parangal. 

Naging bahagi ng kasaysayan si May Parsons sa pagbibigay ng kauna-unahang bakuna na naaprubahan sa buong mundo. Si May ang nagturok ng bakunang Pfizer sa 90-anyos na si Margaret Keenan, ang pinakaunang nakakuha ng bakuna na naaprubahan para gamitin ng publiko. Simula noon, umabot sa halos 125 milyong bakuna na ang naibigay ng NHS sa England. 


2 min read

Published



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now