Narito ang ilang posibleng mapagpipiliang uri ng bisa upang pansamantalang bumisita sa Australya.
Temporary Activity visa (subclass 408)
Ang bisa na ito ay nagbibigay-daan upang makapunta sa Australia ng pansamantala upang:
- magtrabaho sa industriya ng entertainment
- Lumahok sa mga aktibidad sa paanyaya ng isang Australyanong organisasyon
- Lumahok o obserbahan ang isang proyektong pananaliksik sa Australya
- Magtrabaho sa isang may kasanayang posisyon sa ilalim kasunduan ng pagpapalit ng kawani o staff exchange arrangement
- Lumahok sa mga mataas na antas ng paligsahan sa palakasan o mga programa sa pagsasanay sa isport
- Lumahok sa isang espesyal na programa na inaprobahan ng kagawaran na nagbibigay ng mga pagkakataon para sa pagpapalitan ng mga kabataan, pagpapaunlad ng kultura o mga benepisyo sa komunidad
- Gumawa ng full-time na gawaing pang-relihiyon
- Magtrabaho bilang isang superyacht crew member
- Gumawa ng full-time na domestikong trabaho sa sambahayan ng ilang mga mataas na banyagang ehekutibo
- Lumahok sa isang kaganapan na inendorso ng pamahalaan.
Pagiging karapat-dapat
Maaari kang makakuha ng bisa na ito kung ikaw ay::
- suportado ng isang organisasyon o indibidwal sa Australia upang magsagawa ng isang partikular na aktibidad at ikaw:
- mag-aaplay sa labas ng Australya; at
- nagnanais na manatili sa Australya sa loob ng tatlong buwan o mas kaunti
- inisponsor ng isang aprubadong sponsor upang magsagawa ng isang partikular na aktibidad at ikaw:
- Mag-apply sa Australya o
- Mag-apply sa labas ng Australya at nagnanais na manatili sa Australya nang mahigit sa tatlong buwan
Haba ng pananatili
- Kung inimbitahan ng isang organisasyon upang makilahok sa isang partikular na kaganapan - 3 buwan
- Kapag lalahok sa mga aktibidad ng pamahalaang Australya - 4 na taon
- Iba pang mga gawain - 2 taon
Image
Temporary Work (Short Stay Specialist) visa (subclass 400)
Ang bisa na ito ay para sa mag tao na nagnanais na maglakbay sa Australya upang:
- gumawa ng panandalian, dalubhasa at di-magpapatuloy na trabaho
- sa limitadong mga pangyayari, lumahok sa isang gawain o trabaho na may kaugnayan sa mga interes ng Australya.
Sa pangkalahatan ang panahon ng pananatili na pinapayagan ay hanggang sa tatlong buwan ngunit hanggang anim na buwan ay maaaring isaalang-alang sa limitadong mga pagkakataon kung sinusuportahan ng isang matatag na kaso ng negosyo.
Pagiging karapat-dapat
Maaaring ikaw ay karapat-dapat para sa bisa na ito kung ikaw ay:
- may mga pang-dalubhasang kasanayan, kaalaman o karanasan na maaaring makatulong sa Australyanong negosyo, o
- kinakailangan sa Australya para sa pambihirang kalagayan ng pambansang kahalagahan, tulad ng pagtulong kasunod ng isang natural na kalamidad.
Ikaw ay kinakailangan na nasa labas ng Australya kapay nag-apply para sa bisa na ito at sa panahon na magkaroon ng desisyon ang iyong aplikasyon para sa bisa.
Haba ng pananatili
Hanggang tatlong buwan (6 na buwam sa mga limitadong pagkakataon)
Visitor visa (subclass 600)
Ang bisa na ito ay nagpapahintulot sa iyo upang bumisita sa Australya:
- para sa pamamasyal o para sa mga layuning pang-negosyong pagbisita
- nang hanggang tatlo, anim o 12 buwan.
Ang eVisitor (subclass 651) visa ay libre. Ikaw ay kinakailangan na may hawak na pasaporte mula sa isang partikular na bansa.
Ang Electronic Travel Authority (subclass 601) visa ay may bayad na AUD20 (service charge). Ikaw ay dapat na may hawak na pasaporte mula sa partikular na bansa.
Mga kailangan
Ikaw ay maaaring makakuha ng bisa na ito kung ikaw ay maglalakbay patungong Australya:
- bilang isang bisita
- para sa mga gawain na pagbisita sa negosyo
- upang bisitahin ang pamilya o kaanak
- pamamasyal kasama ng isang rehistradong travel agent mula sa People’s Republic of China.
Kung ikaw ay nasa Australya ikaw ay maaaring makapag-apply para sa Tourist stream of the Visitor visa online kung ikaw ay kasalukuyang may balidong bisa na walang nakapataw na kondisyon na 8503.
Kung ikaw ay nasa labas ng Australya, tanging ilang partikular na may hawak na pasaporte ang maaaring magkapag-apply para sa bisa na ito online.
Kung ikaw ay may hawak na pasaporte mula sa People's Republic of China at nag-a-apply mula sa loob ng bansang Tsina ikaw ay maaaring makapag-apply para sa Visitor Visa (subclass 600) Frequent Traveller stream visa.
Para sa mga dagdag na impormasyon, magtungo sa: https://www.border.gov.au/Trav/Visi, o magtanong sa inyong awtorisadong travel agent.