Hinimok ni Punong Ministro Anthony Albanese ang mga Australyano na “gampanan ang kanilang parte” sa gitna ng hindi tiyak na panahon dulot ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East, sa kanyang unang national address.
Ang tatlong minutong pre-recorded na talumpati ay ipinalabas sa buong bansa alas-7 ng gabi noong Miyerkules, habang lumalala ang epekto sa ekonomiya ng pagharang sa Strait of Hormuz.
Kapansin-pansin, tumanggi ang punong ministro na tawaging krisis ang pagkagambala sa global fuel supply chain — na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng krudo at kakulangan sa ilang lugar dahil sa panic buying.
Panoorin ang national address ng punong ministro:
Iba ang naging paraan ni Albanese sa bihirang uri ng komunikasyong ito na karaniwang ginagamit lang para sa malalaking pambansang anunsyo gaya ng mga anunsyo tungkol sa sa digmaan sa Iraq.
"My fellow Australians. By nature, we’re an optimistic country. But I understand that right now it’s hard to be positive," aniya sa kanyang pambungad na pahayag.
"The war in the Middle East has caused the biggest spike in petrol and diesel prices in history. Australia is not an active participant in this war.
"But all Australians are paying higher prices because of it."
Walang bagong patakaran ang talumpati; inuulit lamang nito ang mga naunang anunsyo.
Kabilang dito ang National Fuel Security Plan na inaprubahan ng National Cabinet noong Lunes, ang tatlong buwang bawas sa fuel excise na 26.3 sentimo bawat litro, at ang pagbaba ng heavy vehicle road user charge para sa mga truck driver.
Pinayuhan niya ang mga Australyano na magkaroon ng maayos na Easter break ngunit magtipid sa gasolina kung maaari at “gampanan ang kanilang parte” para malampasan ang mga hamon sa hinaharap.
"If you’re hitting the road, don’t take more fuel than you need - just fill up like you normally would. Think of others in your community, in the bush and in critical industries," ani Albanese.
"And over coming weeks, if you can switch to catching the train or bus or tram to work, do so."
Aminado siya na ang mga epekto sa ekonomiya “ay mananatili ng ilang buwan.”
"I understand farmers and truckies, small businesses and families are doing it tough."
Malaki ang kaibahan nito sa huling ilang beses na nagkaroon ng pambansang talumpati, kamakailan ni dating punong ministro Scott Morrison noong Marso 2020 sa simula ng pandemya ng COVID-19.

Noong Pebrero 2009, ginamit ni dating punong ministro Kevin Rudd ang pamamaraan upang ihatid ang paghingi ng paumanhin sa Stolen Generations.
Noong 2003, nagtalumpati naman si dating punong ministro John Howard upang ipahayag na sasali ang Australia sa digmaan sa Iraq.
Sa kasalukuyan, nasa level two ang Australia sa apat na yugto ng national fuel response plan, at patuloy na tiniyak ng pamahalaan sa publiko na matatag ang suplay, kahit na tumaas ang presyo dahil sa mataas na demand.
Inaasahan na sasagutin ni Albanese ang karagdagang mga tanong tungkol sa posisyon ng Australia at ang posibilidad ng resesyon sa Huwebes, kapag siya ay dumalo sa National Press Club.
Para sa pinakabagong balita mula sa SBS News, i-download ang aming app at mag-subscribe sa aming newsletter.
