Natagpuan ang labi ng isang sanggol sa baybayin ng Surfers Paradise sa Gold Coast sa Queensland.
Ipinatawag ang mga emergency workers sa lugar ng pinangyarihan malapit sa Staghorn Avenue, the Esplanade, bandang 12:30 ng umaga noong Lunes, matapos may makakita sa bangkay ng bata.
Sinubukang buhayin ang bata sa pamamagitan ng CPR, subalit hindi ito naging matagumpay.
Isang 48-taong gulang na lalaki at 23-taong gulang na babae ang kasalukuyang tumutulong sa pulisya sa imbestigasyon.
Hindi pa din alam sa ngayon ang dahilan ng pagkamatay ng sanggol, subalit maliwanag na walang nakitang injury sa sanggol. Magsasagawa ng autopsy ang pulisya.
Natagpuan ang sanggol isang kilometro malapit sa Cavill Avenue sa Surfers Paradise.
Nakatakdang magbigay ng pahayag ang pulisya ngayong umaga.