Noong Setyembre 19, dineklara ng pamahalaan sa Pilipinas na may polio outbreak.
Ang mga kaso ng polio sa bansa ay buhat sa poliovirus type 2 (VDPV2). Ito daw ay mula sa oral polio vaccine - vaccine virus na nagbago ang anyo mula sa mahinang bersyon nito. Ang VDPV2 ay napapasa sa mga populasyon na hindi nabakuna at sa mga lugar na marurumi.
Positibo din ang mga water samples mula sa Manila sewage at Davao river para sa virus na ito.
Saad ng Department of Foreign Affairs and Trade na kinakailangang magpakuna bago umalis ng Australya patungong Pilipinas.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Department of Foreign Affairs and Trade at World Health Organization.
Share
