Sikat na mga Pinoy slang

Sa pagtatapos ng Buwan ng Wika, ito ang limang Filipino slang na salita na maaring hindi mo pa narinig dahil naninirahan ka na sa Australya o dahil matagal ka ng hindi bumibisita sa Pilipinas.

Filo Slang

Stay in the loop and add these current Filipino slang words to your vocabulary. Source: Getty Images/XiXinXing

1. Lodi

Hindi ito pangalan ng kontrabida (Loki yun) o pangalan ng isang artista sa Pilipinas (Lloydie yun), ang Lodi ay ang baliktad na spelling ng 'idol'. Magandang ehemplo ito ng ugali ng mga Pinoy na baliktarin ang mga salita (natatandaan mo ba ang rapsa at petmalu?).

2. Waley

Isang termino na ang ibig sabihin ay 'wala', ito ay ang kabaliktaran ng 'havey' o 'pagkakaroon'.

3. Syonga

Ang 'syonga' ay ginagamit upang ilarawan ang isang taong tanga. At ang kagandahan ng salitang ito? Mas nakakaaliw pa itong bigkasin kapag ginagamit ito upang ilarawan ang katangahan na ginawa ng isang tao o 'syo-syonga-syonga'. 

4. Mumshie

Maraming titulo ang mga nanay - gaya ng ina, mom, mum, mommy, alalay, detektib, at marami pang iba. Isa pa dito ang mumshie.

5. Beshie

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, laging sinasabi ang terminong ito sa pa-cute na tono. Ang ibig sabihin ng beshie ay 'best friend'.

PAKINGGAN DIN
BASAHIN DIN



 

Share

Published

Updated

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand