Kinausap nating ang isang Aborihinal na alagad ng sining mula sa Koomurri Tribal Dance tungkol sa kung paano nakaka-apekto ang pagbebenta ng mga pekeng Aborihinal na sining sa mga lokal na orihinal na sining na gawa ng mga Aborihinal at kung ano ang kanilang ginagawa upang mapangalagaan at maitaguyod ang tunay na Aborihinal na sining.
Paminsan-minsan, si David Barnett ay tumutugtog ng musika gamit ang didgeridoo - isang instrumento na hinihipan na binuo ng mga katutubong Australyano ng hilagang Australya na maaaring nas 1,500 taon na ang nakalipas, - upang subukang itaguyod ang Aborihinal na musika sa isa sa pinakatanyag na puntahan ng mga turista sa Sydney.

Koommurri Tribal Dance (SBS Filipino/A. Violata) Source: SBS Filipino/A. Violata
Habang si Lisa Lawrence, kapatid ni David, ay nagtitinda ng mga orihinal na Aborihinal an sining na gawa ng ilan sa mga alagad ng sining na miyembro ng kanilang mga tao, kasama ang kanyang kapatid na si David.

Aboriginal Art (SBS Filipino/A.Violata) Source: SBS Filipino/A. Violata