Ang pahayag ay isinagawa ng tagapagsalita ng Palasyo Ernesto Abella ilang sandali makalipas ang alas-onse ng gabi ng Martes sa isang pagharap sa medya sa Four Square Hotel sa Moscow, Russia Federation.
Magiging epektibo ang batas militar ng 60 araw, pahayag ni Abella.
Naganap ang deklarasyon pagkatapos ng sagupaan na namag-itan sa Maute Group at ng militar noong hapon ng Martes, na nagtutulak sa mga residente na magtago sa kanilang mga tahanan dahil sa takot.
Binanggit ni Abella ang pahayag ni Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra for legal affairs na ang deklarasyon ay posible dahil sa rebelyon.
Sinabi ng Kalihim ng Tanggulan Delfin Lorenzana dalawang sundalo at isang pulis ang napatay, habang 12 ang nasugatan sa patuloy na sagupaan sa siyudad ng Marawi.
Sinabi niya na inookupahan pa rin ng Maute group ang isang kalsada at dalawang tulay na patungo sa siyudad ng Marawi.
Sinabi ni Kalihim Alan Peter Cayetano ng Ugnayang Panlabas Alan Peter Cayetano, sa parehong pagharap sa medya, puputulin ni Duterte ang kanyang biyahe sa Rusya dahil sa kaganapan sa Marawi.
Panoorin ang kabuuang bideyo sa pagharap sa medya. (Video credit to the Philippine Presidential Communications Office)