Pinapatawag ng Gabriela Women's Party ang pagbibitiw ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kanyang puwesto pagkatapos nitong sabihin na minolestya niya ang kanilang kasambahay noong binata siya.
Ikwinento ng pangulo ang insidenteng ito noong talumpati niya sa Kidapawan, Cotobato City noong ika-dalawampu't siyam ng Disyembre.
Sinabi ng pangulo na sinabi daw niya sa isang pari noon na pinasok niya ang kwarto ng kanilang katulong ng gabi at "lifted the blanket and...tried to touch what was inside the panty." Ginawa daw niya ito ng dalawang beses ngunit na gising ang katulong.
Ayon sa Gabriela, nalalagay ang mga kababaihan sa pahamak sa pagloloko ng pangulo ukol sa pang-gagahasa at kababaihan.
Saad din ni Labor group Sentro Secretary-General Josua Mata na nalalagay ng mga salitang ito sa pahamak ang mga kasambahay sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Share
