Ang Australya ay maaaring makatipid ng $700 milyon kada taon sa isang simpleng preventable health measure na naglalayong mabawasan ang insidente ng type 2 diabetes.
Sinabi ng Diabetes Australia na hindi na dapat humantong pa sa atake sa puso, stroke, pagkabulag o pagputol ng paa bago matuklasan ng mga tao na mayroon silang type 2 diabetes.

Ngunit ang pambansang organisasyon ay nagsasabing ang mga tao ay kadalasang nada-diagnose ng kondisyon na ito matapos ang mga komplikasyon, na kadalasa'y hindi na nalalaman na sila ay may sakit at hindi nagamot sa loob nang hanggang pitong taon.
"It's a very common statement: 'I wish, I wish, it was found earlier'," sabi ni chief executive Professor Greg Johnson sa AAP noong Linggo.
"'Then I could have acted earlier, things could have been done, I could have gotten treatment.'"
"Of the nearly 6,000 people tested, 26 per cent were found to have pre-diabetes, while 17 per cent were likely to have type 2 diabetes"
Sinabi ni Prof Johnson na batay sa international evidence, ang maagang pagtuklas at pinakamainam na paggamot ay magdudulot ng $1,415 na savings kada tao, kada taon.
"With an estimated 500,000 Australians having silent, undiagnosed type 2 diabetes, that could translate to savings of more than $700 million for the Australian health system each year," sabi niya.
Ang Diabetes Australia ay naglunsad ng kampanya upang magamot ang kondisyon, at patuloy silang manghihikayat para sa pambansa at komprehensibong programa sa maagang pagtuklas ng sakit.
Nananawagan sila sa mga emergency rooms at GP clinics na magsagawa ng mas maraming routine screening, kasama na ang panawagan sa gobyerno para sa mas mainam na mga patakaran at mas maraming pondo.
Ang mga merito ng routine screening ay naipakita sa pamamagitan ng isang makabagong programa na kasalukuyang isinasagawa sa ilang mga ospital sa western Sydney at GP clinics, sinabi ni Prof Johnson.
Sa pamamagitan ng programa, halos 48,000 na pasyente na dinala sa emergency departments ng Blacktown at Mt Druitt Hospitals at nagpakuha ng blood tests, ay sumailalim sa karagdagang screening para sa sakit.
Sa mga ito, 17 porsyento ay itinuturing na "likely" na magkaroon ng type 2 diabetes, at may karagdagang 30 porsyento ang natagpuang "high risk."
Sinabi ni Dr Glen Maberly ng Blacktown Hospital na ang mga resulta mula sa mga GP checks para sa type 2 diabetes ay nakakaalarma.
"Of the nearly 6,000 people tested, 26 per cent were found to have pre-diabetes, while 17 per cent were likely to have type 2 diabetes," sabi ni Dr Maberly.
Sinabi ni Prof Johnson na inaasahan niya ang mga bagong figures na ito ay maghihikayat sa gobyerno na suportahan ang simpleng konsepto ng pagsasagawa ng tests.
Sinabi sa AAP ni Greg Hunt, tagapagsalaita para sa Health Minister na ang pampederal na gobyerno ay determinadong talakayin ang malulubhang kondisyon katulad ng diabetes at nagsasagawa muna ito ng mga karagdagang hakbang.
Kasama rito ang pagpopondo sa isang pharmacy-based type 2 diabetes screening trial, at ang paglalaan ng $600,000 sa kasalukuyang badyet para sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa sakit na diabetes at mga panganib na dulot nito
"Australians who are at risk of developing diabetes are urged to see their GP and get tested," sinabi ng tagapagsalita.
Mababa sa 1.1 milyon na Australyano ang mayroong type 2 diabetes, at pinaniniwalaang may karagdagang 500,000 na hindi na-diagnose.
