Russia, tinambakan ang Saudi Aradia sa panimula ng World Cup

Si Denis Cheryshev ay naka-iskor ng brace at si Aleksandr Golovin naman ang nagdala ng laro para sa unang home World Cup ng Russia, na nagtala ng 5-0 sa Group A game at tinambakan nila ang Saudi Arabia sa kanilang laban sa Moscow.

General View of the opening ceremony prior to the 2018 FIFA World Cup Russia group A match between Russia and Saudi Arabia

General View of the opening ceremony prior to the 2018 FIFA World Cup Russia group A match between Russia and Saudi Arabia Source: Getty

Sina Yuri Gazinskiy and Cheryshev ay matagumpay na nakamit ang kanilang first-half goals sa panimula ng kanilang international accounts sa Luzhniki Stadium. Si Artem Dzyuba naman ay nakakuha ng ikatlong goal, 89 segundo matapos siyang iharap na second-half replacement. Si Alan Dzagoev naman ay nagtamo ng injury na siyang magdudulot ng pangamba sa Russia.

Sa simula ng laban, si Dzagoev  ay nagtamo ng injury sa kanyang hamstring, na sinasabing makakaapekto sa natitirang bahagi ng torneo, depende sa magiging resulta ng scan.

Nakuha ni Gazinsky ang unang goal, habang ang kapalit ni Dzagoev na si  Cherysev ay nakuha naman ang sumunod na goal.

Nagsimula ang Russia sa World Cup bilang pinkamababang koponan sa torneo, subalit ang host ng laban ay tinatayang mas malakas sa Saudi Arabia.

Ipinamalas ni Cheryshev ang kanyang kakayanan, bagamat siya ay kapalit lamang ni Dzagoey, na nagtamo ng injury.

Ang mga manalalaro ni Juan Antonio Pizzi ay nahirapan naman sa laban. Nabigo silang makakuha ng goal at halos pinamigay na nila sa Russia ang bawat pagkakataon na mak-iskor, na siyang nagpapanalo sa Russia upang makamit ang kanilang unang World Cup mula pa noong 2002.


Share

Published

Updated

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand