Red Cross Blood Bank nananawagan sa mga nais magbigay ng dugo

Nananawagan ang Australian Red Cross Blood Service sa mga nais magbigay ng dugo dahilan sa pagkansela ng appointment ng mga regular na donor na nagkakasakit sa maagang simula ng taglamig.

Blood donors

Urgent calls for O-negative blood donors Source: Getty Images

Ang pagkakasakit ngayong taglamig ay malaking problema para sa Blood Service sapagkat ito ay nagiging sanhi ng pagkakansela ng appointment ng mga nais na magbigay ng dugo. 

At lumalala pa ang problema sa kakulangan ng suplay ng dugo dahil sa darating na Queen's birthday long weekend. 

“To meet the needs of Australian patients, we really need 5,900 additional people to donate over the next two weeks,” ayon sa tagapagsalita ng Blood Service na si Helen Walsh. 

Lumalabas sa kanilang datos na sa bawat araw, halos 1,400 na donors ang nagkakansela ng kanilang appointment. 

“We haven’t seen cancellations this high since March 2017, and as the number of people suffering cold and flu symptoms increases, it limits the number of regular donors who are able to give."

Hinihikayat ng Blood Service ang mga taong may blood type na O at A na magbigay ng dugo. 

“We need people who are fully recovered from colds or the flu, and those who have avoided it, to take the place of those who are unable to answer our call,” sabi ni Ms Walsh.

Maaaring magbigay ng dugo ang sinumang nagbakuna laban sa trangkaso o flu at ang mga taong nakakaranas ng sintomas ng sipon at trangkaso ay maaari ding magbigay ng dugo pitong araw matapos silang gumaling o maka-recover.

Save a life. Donate Blood.

Isa sa bawat tatlong Australyano ay mangangailangan ng dugo, at maaaring ang mailigtas mo ay iyong mahal sa buhay. 

Tumawag sa 13 14 95 kung nais mo magbigay dugo o bisitahin ang kanilang website donateblood.com.au

Share

2 min read

Published

Updated

By Roda Masinag



Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand