May nakitang 20 porsyento na pagtaas ang working holiday makers intong taon.
May 43,219 second year visas ang binigay sa ilalim ng WHM program para sa mga taong naka-kumpleto ng tatlong buwan na partikular na trabaho sa regional area.
Ayon kay David Coleman, ang Minister for Immigration, Citizenship, Migrant Services and Multicultural Affairs, “That’s 7,000 more young people picking crops, milking cows, shearing sheep and supporting tourism in regional Australia."
Saad ni Mr Coleman na nakatulong ang pagtaas na ito para sa mga negosyong hindi makahanap ng mga Australyanong manggagawa na pupuno sa mga trabaho.
Simula Enero 2020, maaaring mag-apply para sa third year visa ang mga taong may second year visa basta't nakapagtrabaho sila ng karagdagang anim na buwan sa isang partikular na trabaho sa regional area.
Saad ng Minister for Trade, Tourism and Investment na si Simon Birmingham, “Our expansion of the WHM program is offering more young people from more countries the travel opportunity of a lifetime, while also supporting our key industries and regional communities."
Para sa karagdagang impormasyon ukol sa Working Holiday Maker visas, bisitahin ang Department of Home Affairs.