Settlement Guide: 10 katotohanan tungkol sa superannuation

Ang Superannuation ay isang pang-matagalang plano ng pag-iipon na idinisenyo upang magbigay ng kita pagkatapos ng pagreretiro. Paano nga ba ito gumagana?

Businessman standing in hoops in desert back view full length

Businessman standing in hoops in desert back view full length Source: AAP

1. Sino ang karapat-dapat para sa superannuation?

Ang mga empleyado na lagpas sa 18 taong gulang na kumikita na mahigit sa $450 bawat buwan. Sa kasalukuyan, 9.5 porsyento ng inyong kita ang ini-aambag ng inyong tagapag-empleyo sa inyong pondo ng superannuation.

super_1_employees_aapl-1.jpg?itok=um7T2trz&mtime=1462837758

2. Ang ilang empleyado ay nawawalan ng superannuation dahil sa iba't ibang uri ng trabaho.

Ang mga empleyado, na may ilang trabahong part-time at kumikita ng mas mababa kaysa sa $450 bawat buwan sa bawat isang trabaho, ay maaaring hindi makakuha ng kontribusyon sa superannuation.

super_2_part_time_worker_aap-1.jpg?itok=E8rL5gtV&mtime=1462838015

3. Karamihan ng mga baguhan sa trabaho at mga trainee na lagpas sa $450 threshold ay may karapatan sa pagbabayad ng superannuation

super_3_apprentice_aap_-1.jpg?itok=KHVzuT36&mtime=1462839531

4. Sino ang namamahala ng inyong pera?

Ang mga bangko, kumpanya ng insurans at mga industry fund ang karaniwang namamahala ng hanay ng mga opsyon ng pamumuhunan, kabilang ang mga government bond, at mga high and low risk securities.

super_4_asx_2_aap-1.jpg?itok=CwmGT5yN&mtime=1462840592

5. Maaaring piliin ng mga empleyado kung saan mapupunta ang kanilang super

Kung hindi pipili ng kumpanya ng super ang empleyado, ang tagapag-empleyo ang pipili nito. Ang pagiging nasa hindi magandang kumpanya ng super ay maaaring makita na mawala ang malaking halaga ng inyong maiipon para sa pagreretiro.

super_5_where_super_goes_aap-1.jpg?itok=AOAvPEiE&mtime=1462841034

6. Ang pagdagdag ng personal na kontribusyon ay maaaring lalong magpalaki ng inyong pondo

Ang mga masipag mag-impok ay maaaring makakuha ng bonus mula sa gobyerno.

super_6_extra_contributions_aap-1.jpg?itok=jIzQTIbr&mtime=1462841260

7. Ang Super Co-contribution ay para sa mga manggagawang mababa at nasa kalagitnaan ang kita.

Ang mga empleyado na kumikita ng mas mababa kaysa sa 51-libong dolyar bawat taon, at gumagawa ng dagdag na kontribusyon sa super, ay karapat-dapat para sa co-contribution ng goberyno na $500 bawat taon na walang buwis.

super_7_low_income_earners_2_aap-1.jpg?itok=l0akt5AI&mtime=1462841990

8. Ang pagsasama ng inyong super sa iisang account ay isa pang paraan para dagdagan ang ipon

Ang hindi pagkakaroon ng maraming super ay makakatipid sa mga bayarin, makakabawas sa mga paperwork at mas magiging madali ang pagsubaybay sa inyong super.

super_8_consolidate_your_accounts_by_getty_images.jpg?itok=xLC0mWlq&mtime=1462846996

9. Ang edad sa kung kelan ninyo maaaring ma-akses ang inyong super ay maaaring magbago

Sa kasalukuyan ito ay nasa 57, ngunit ang ipinag-uutos na edad ng pagreretiro ay gagawin ng 70.

super_9_retirement_age_aap-1.jpg?itok=INuaKkat&mtime=1462847358

10. Ang mga Australyano na ipinanganak sa ibang bansa ay maaaring maka-akses ng kanilang retirement savings sa kanilang orihinal na tinubuang-lupa

Maaaring gumawa ng aplikasyon upang ma-akses ang mga naipong retirement savings kung magdesisyon na bumalik sa inyong pinagmulang bansa.

super_10_born_overseas_aap-1.jpg?itok=48j5HCev&mtime=1462849088
 



Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata
Source: ATO/ASIC

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand