1.Ang pang-aabuso sa matatanda ay nakakaapekto sa hanggang sampung porsyente ng pandaigdigang populasyon, ngunit karamihan ng mga kaso ay hindi naiuulat.

Source: Pedro Ribeiro Simões CC BY 2.0
2. Ang pang-aabuso sa matatanda ay nangangahulugan ng anumang isa o paulit-ulit na akto, o kakulangan ng aksyon sa isang relasyon "kung saan mayroong inaasahang pagtitiwala na nagiging sanhi ng pinsala o pagkabalisa sa isang matandang tao."

Source: AAP
3. Ang pang-aabuso sa matatanda ay hindi lamang nangangahulugan ng pisikal na pang-aabuso - ito rin ay sumasaklaw sa sikolohikal at pang-ekonomikong pang-aabuso at pagpapabaya.

A woman uses a walker to assist her mobility in Canberra, Friday, May 24, 2013. (AAP Image/Alan Porritt) NO ARCHIVING Source: AAP
4. Sa 90-porsyento ng mga kaso ng pang-aabuso sa matanda, ang may kasalanan ay isang myembro ng pamilya.

Source: QLD.gov
5. Ang pagtukoy ng pang-aabuso sa nakakatanda ay maaaring maging mahirap. Ang pang-aabuso ay maaaring banayad o sadyang nakatago at ang mga nakakatandang tao ay maaaring atubili na pag-usapan ang pang-aabuso.

Source: AAP
6. Ang mga tao ay madalas gamitin ang isang Power of Attorney para abusuhin ang mga nakatatanda - kinukuha ang pamamahala sa kanilang mga pinansyal at ligal na gawain.

Source: cc_by-sa_3_0_ny
7. Sinusuportahan ng UN ang mga prinsipyo ng pagsasarili, pakikilahok, pangangalaga, sariling katuparan at dignidad para sa mga matatanda.

Source: AAP
8. Ang mga matatanda na may limitadong kasanayan sa wikang Ingles o karunungang bumasa't sumulat ay madalas na maging biktima ng pang-aabuso ng kanilang mga pamilya at kaibigan.
Source: Aged Care Manager Alex Abramhoff

Source: aus.gov
9. Walang mga batas na nag-uutos ng pag-uulat para sa mga pang-aabuso sa mga matatanda sa anumang estado o teritoryo sa Australya.
10. Kung kayo o may kakilala kayo na nakakaranas ng pang-aabuso sa mga matatanda, mayroong tulong na maaaring magamit.
Kung ang inyong wika ay hindi Ingles, makipag-ugnayan sa National Translating and Interpreting Service (TIS) sa numero 13 14 50.

Source: AAP