1. Mas mahusay na kasanayan at kaalaman para sa mga hinaharap na industriya
Hinuhulaan ng ulat ng PwC na A Smart Move na 75 porsyento ng mga pinakamabilis na lumalagong trabaho ay mangangailangan ng mga kasanayan sa larangan ng STEM.
Image
2. Mas mahusay na oportunidad sa karera
Napag-alaman ng isang ulat na kinomisyon ng Office of the Chief Scientist na ang mga taong may kwalipikasyon ng STEM ay mahalaga sa lugar ng trabaho, maging ang kanilang mga pangunahing larangan ng pag-aaral ay hindi unang kailangan para sa kanilang tungkulin.

3. Mas mataas na maaaring makuhang sahod
Ang mga nagtapos ng mga asignatura ng STEM ay maaaring makaasa ng mas mataas na panimulang sahod.

Sa position statement ng Australian Information Industry Association na Step it up: accelerating digitisation of Australia's economy gumawa ito ng mga rekomendasyon sa kung paano linangin ang talentong digital at mga pangunahing kasanayan ng Australia.
Sinasaliksik ng National Science Week ang mga gawain at kaganapan ng agham, teknolohiya, pag-iinhinyero at matematika, nitong ika-13 hanggang ika-21 ng Agosto.
Ang mga bata at mga may edad ay maaaring matuto kung paano binabago ng mga drone, mga droid at mga robot ang agrikultura, pagmimina, industriya ng paggawa, medisina at eksplorasyon ng kalawakan at ilalim ng karagatan.
Para sa dagdag na impormasyon, bisitahin ang National Science Week.
Share
