1. Bumisita sa inyong GP upang matasa ang inyong kondisyon. Maaaring ihanda ng inyong GP ang isang "Mental Health Treatment Plan". Mayroong diskwento sa Medicare para sa hanggang sampung pagbisita sa mga serbisyong pangkalusugan ng kaisipan bawat isang taon.

2. Maaari kayong isangguni sa mga partikular na serbisyong pangkalusugan ng kaisipan na nasa ilalim ng Medicare, tulad ng mga saykayatriko, kapag nakahanda na ang inyong "Mental Health Treatment Plan" mula sa inyong GP.

3. Depende sa inyong pangangailangan ng pangangalaga sa kalusugan, kasunod ng paunang anim na sesyon ng paggamot, maaaring kayong bumalik sa inyong GP o saykayatriko para sa bagong pagsangguni para sa dagdag na apat na sesyon.

Sino ang mga karapat-dapat?
Lahat ng may hawak ng Medicare card na natasa na may sakit pangkaisipan. Ang inisyatibang Better Acess ay hindi sumasaklaw sa dementia, deliryo, sakit mula sa paggamit ng sigarilyo at mental retardation.
Para sa mga karagdagang impormasyon sa inisyatibong Better Access initiative is available at: http://www.health.gov.au/internet/main/publishing.nsf/Content/mental-ba Ang mga impormasyon tungkol sa pagiging karapat-dapat, proseso ng pagkuha at pagbabayad ay maaaring mula sa Medicare Australia sa numero bilang 132 011 o sa www.medicareaustralia.gov.au. Better access to mental health care fact sheet. More from Filipino Settlement Guide
Share
