1. Protektado ng mga batas ang pribisiya ng inyong mga impormasyon

Source: Getty Images
2. Sisirain ng ABS ang mga pangalan at mga tirahan kapag wala na itong anumang pakinabang para sa komunidad sa kanilang pagpapanatili o apat na taon matapos ang pangangalap.
Tinitiyak ng ABS at palagi nitong tinitiyak na sapat ang pangangalaga upang mabantayan ang pribisiya at pagiging kumpidensyal ng mga impormasyon na kinokolekta nito sa sensus, kasama ang mga pangalan at mga tirahan.

Woman holding heap of shredded paper, close-up of hands Source: AAP
3. Ang ABS ay may ligal na tungkulin na panatilihing ligtas ang mga data at tiyakin na hindi nito ilalabas ang mga makikilalang impormasyon tungkol sa isang tao, sambahayan o negosyo
Ang paraan ng seguridad na ipinapatupad ay hiwalay na sinusubok at pinag-aaralan upang matiyak na ang inyong mga personal na impormasyon ay ligtas. Kabilang sa mga pangunahing pag-iingat ang matinding encryption ng data, limitadong akses base sa pangangailang malaman at pagsubaybay sa lahat ng kawani, kabilang ang regular na pag-awdit.

Source: Pixabay/Public Domain
4. Matapos ang pangangalap ng mga data at pagproseso, aalisin ng ABS ang mga pangalan at mga tirahan mula sa ibang mga personal at pang-buong pamilyang mga impormasyon
Ang mga pangalan at mga address ay ligtas na itatago at ihihiwalay mula sa isa't isa. Walang sinuman sa mga nagta-trabaho sa census data ang maaaring makakita ng inyong personal na impormasyon (pangalan at tirahan) sa parehong oras sa inyong ibang tugon sa sensus (tulad ng edad, kasarian, at trabaho, at antas ng edukasyon o kita).

Rotary file Source: Ragnar Schumck/Getty Images
5. Itatago ng hiwalay at ligtas, ang mga pangalan ng mga indibidwal ay papalitan din ng isang linkage key, isang computer generated code, na kumpletong hindi magpapakilala ng personal na impormasyon

Source: Pixabay (Public Domain)