1. Mayroong mga bisa na tinatawag na contributory at non-contributory parent visa
Image
2. May medikal at pagsusuri ng pagkatao
Kailangang maipasa ninyo ang mga pagsusuri sa kalusugan at pag-uugali kapag kayo ay nag-a-aplay para sa bisa at muli kapag naibigay na ang bisa.

Source: Getty Images
3. Ibang opsyon para sa mga magulang na nasa edad na maaari pang magtrabaho
Maaaring mag-aplay para sa 173 o 884 temporary visa na nagkakahalaga ng $29,130 at papayagan sila na tumira ng Australya sa loob ng dalawang taon na may kabuuang akses sa Medicare at makapag-trabaho ng full-time. Maaari nilang gamitin ang dalawang taon na ito upang makapag-ipon ng dagdag na $19,000 na kinakailangan upang magpalit ng visa patungo sa permanent subclass 143 contributory visa.

Source: Pixabay/Public Image
4. Ang mga aplikante ng Parent visa ay kinakailangang mayroong isponsor na isang mamamayang Australyano, permanent resident o karapat-dapat na mamamayan ng New Zealand
Kailangan ding mapatunayan ninyo na kayo ay nakatira na dito, madalas hindi bababa sa dalawang taon. Kailangan ding matugunan ng mga aplikante ng bisa ang balanse ng pagsusuri sa pamilya na nagpapatunay na karamihan ng kanilang pamilya ay nakatira sa Australya.

Source: Getty Images