1. Mag-ipon ng inyong pang-deposito
Ang pagdeposito ng 10 porsiyento ng kabuuang presyo ng bibilhing bahay ay kinakailangan sa pagbili ng bahay. Gayunpaman, maaaring maiwasan ng mga mamimili ang pagbabayad ng dagdag na libo-libo para sa mortgage insurance para sa mga umuutang kapag sila ay nag-ipon ng pang-deposito na 20 porsiyento. Sa sandaling naka-ipon na ng inyong pang-deposito, ang susunod na hakbang ay mapa-aprubahan ang inyong hihiramin.

2. Magsaliksik ng mga mapag-pipiliang nagpapa-utang para sa pabahay at kumuha ng pre-approved na home loan
Tiyakin na alam ninyo kung magkano ang inyong kayang gastusin para sa pagbili ng bahay. Bago kayo magdesisyon na umutang para makabili ng bahay, magtaong sa inyong tagapagpahiram para sa key facts sheet para ikumpara ang iba't ibang uri ng pautang na mayroon.Image
3. Humiram ayon sa inyong kakayahan
Maging maingat na hindi humiram ng lagpas sa inyong limit. Hindi ninyo nais na mapilitang ipagbili ang inyong bahay kung hindi nilang makayang makapag-bayad sa inyong mga bayarin sa mortgage.

4. Gumugol ng salapi para sa isang ulat ng inspeksyon
Maaaring kayo ay gagastos ng ilang daang dolyar para sa building inspections, ngunit kayo ay potensyal na makakatipid ng ilang libong dolyar sa pamamagitan ng pag-iwas sa anumang isyu matapos na kayo ay makalipat sa bahay na inyong binili.

5. Badyet para sa mga karagdagang gastusin
Tiyakin na kayo ay mag-badyet para sa mga extra costs kaugnay na pagbili ng bahay tulad ng stamp duty, conveyance fees, council rates at strata levies.

Ang website ng Pamahalaang Pederal ay mahusay na simula para sa mga tao na nagpa-planong bumili ng bahay.
Ang Australian Securities & Investments Commission (ASIC) ay nagbibigay ng mahalagang impormasyon para sa mga home buyer.
Ang mga payo para sa pagba-badyet ay ibinibigay ng Consumer Affairs Victoria at ang Fair Trading NSW ay nag-aalok ng listahan ng mga paksa para sa mga home buyer.
Share
