Ang pag-alam ng inyong karapatan bilang mga mamimili ay maaaring makapagtipid sa inyo ng pera - narito ang limang payo mula sa Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) upang makaiwas kayo na maloko.
Itago ang inyong mga resibo

Siguraduhin na hingin ang inyong resibo o patunay ng inyong binili kapag kayo ay bumili ng mga produkto o serbisyo. Lagi ding tandaan na itago ang pruweba ng inyong mga binili sa ligtas na lugar dahil maaaring kailangan ninyo ito sa hinaharap. Ang mga tindahan o negosyo ay dapat na magbigay sa inyo ng resibo para anumang binili na nagkakahalaga ng mahigit $75.
Basahin ang ibang impormasyon dito.
Humiling ng pagkumpuni, kapalit o pagbalik ng inyong ibinayad

Ang Australian Consumer Law consumer guarantees ay nagbibigay sa inyo ng karapatan na humiling ng pagkumpuni, kapalit o ibalik ang inyong ibinayad.
Basahin ang ibang detalye dito.
Intindihin ang kontrata bago pumirma

Tuwing kayo ay bibili ng mga produkto o mga serbisyo, kayo ay pumapasok sa isang kontrata. At bago pa man kayo pumasok, tiyakin na nauunawaan ninyo kung ano ang inyong sinasang-ayunan.
Mag-ingat sa mga nakakalitong presyo

Sa Australia lahat ng presyo ay dapat na tunay at dapat na nalagay kung saan madaling makita upang agad na nakikita ang kabuuang presyo. Mag-ingat sa magkakaibang presyo na nakalaga sa isang produkto o anunsyo. Kailangang ayusin ng nagbebenta ang naka-display o ibenta syo ang produkto sa pinakamababang halaga.
Basahin ang ibang detale dito.
Alamin ang mga panloloko sa pamimili sa online

Maging maingat kung saan namimili o kung paano kayo mamili sa online! Ang mga scammer o manloloko ay maaaring gumawa ng mga pekeng website o pekeng anunsyo o advertisement sa mga site ng mga tunay na nagbebenta.
RBasahin ang iba ang detalye dito.
Mga organisasyon na maaaring makatulong sa inyo:
Ang Australian Competition and Consumer Commission (ACCC) ay isang pambansang taga-pangasiwa ng kompetisyon at taga-pagbantay sa mga batas para sa mga mamimili. Itinataguyod ng ACCC ang pagkakaroon ng kompetisyon at anta na makatarungang kalakalan upang gumana ang mga pamilihan na para sa lahat. Bisitahin ang kanilang website dito.
Ang Choice ay nagsisiyasat sa mga isyu patungkol sa mga mamimili at tumutulong sa mga mamimili na gumawa ng aksyon at gumawa ng mga reklamo. Bisitahin ang kanilang website dito.
Ang MoneySmart ay nagbibigay ng kumpletong payo tungkol sa mga karapatan at obligasyon ng mga mamimili. Bisitahin ang kanilang website dito.
Ang Austrade ay isang ahensya ng gobyerno kung saan ang mga bumibiyahe o bumibisita na naniniwalang sila ay hindi patas na pinakitunguhan ng isang negosyo habang silang ay nasa Australia, ay maaaring maglagak ng reklamo. Bisitahin ang kanilang website dito.
Ang Treasury nagbibigay ng payo tungkol sa kompetisyon sa Australia at balangkas ng mga patakaran para sa mga mamimili. Bisitahin ang kanilang website dito.
