Settlement Guide: Anim na paraan upang manaligtas sa mga baybayin sa Australya

Sundin ang anim na payo upang matiyak na masaya at ligtas ang inyong araw sa tabing-dagat!

Japanese man swimming

Brisbane, July 24, 2002. Yoshitaka Yamamoto from Japan at Southbank beach in Brisbane. He is here to learn about water safety. Source: AAP

1. Palagiang lumangoy sa pagitan ng mga pula at dilaw na bandila

Kapag nakakita kayo ng mga bandila na may kulay pula at dilaw sa mga tabing-dagat, ito ay palatandaan na mayroong kasalukuyang serbisyo ng pagliligtas ng buhay o lifesaving service sa tabing-dagat na iyon.
red and yellow flags
Source: Mark Gunter

2. Basahin ang mga palatandaan ng kaligtasan

Bago magtungo sa tabing-dagat, siguraduhing basahin ang mga palatandaan ng kaligtasan.
danger signs
Source: waverly council

3. Magtanong sa lifeguard para sa payo ng kaligtasan

Ang mga lifeguard ay lubos na may pagsasanay at kaalaman tungkol sa kaligtasan at mga kondisyon sa tabing dagat.
lifeguards
Source: AAP

4. Lumangoy kasama ng kaibigan

Habang kayo ay magkasamang naglalangoy maaari ninyong bantayan ang isa't isa.
friends
Source: Tricia CC BY 2.0

5. Sakaling kailanganin ang tulong, manatiling kalmado at tumawag ng pansin ng iba

Kung kailangan ninyo ng tulong ng isang lifeguard upang makabalik sa pampang, manatiling kalmado, itaas ang inyong kamay at ikaway-kaway ito.
currents
Source: beachsafe.org
Ang syempre, huwag kalimutan :

6. Slip, Slop, Slap

'SLIP on a T-Shirt (magsuot ng t-shirt), SLOP on some sunscreen (maglagay ng sunscreen) at SLAP on a hat (maglagay ng sumbrero)' mga tanyag na payo na matagal nang inirerekomendad ng Australian Cancer Council upang manatiling ligtas mula sa sikat ng araw habang kayo'y nasa tabing-dagat. 

Sa mga panahon ngayon, dinagdagan nila ang mga payong ito at kasama na ang SEEK shade (humanap na lilim) at SLIDE on some sunglasses (magsuot ng proteksyon sa mata). 

Para sa mga dagdag na kaalaman magtungo sa Cancer Council website at panoorin ang bidyo ng kanilang kampnaya dito:

Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand