Ang kahulugan ng Australia Day ay nag-iba mula ng simulan ito sa unang bahagi ng ika-19 na siglo. Sa kasalukuyan, marami ang naniniwala na ang pambansang araw ng mga pagdiriwang ay may higit na potensyal at paggalang sa mga katutubong tao at kanilang kasaysayan.
Australia Day

'Founding Of Australia' -painting by Algernon Talmadge. Captain Arthur Phillip raises flag to declare British possession at Sydney Cove, Australia, 26 Jan 1788 Source: Getty Images
Ito ang pambansang araw ng Australia sa paggunita sa ika-26 ng Enero taong 1788, nang iwagayway ni Captain Arthur Phillip ang bandila ng Great Britain at prinoklama ang isang kolonyal na guwardya ng imperyo ng Britanya sa Port Jackson (kilala ngayon bilang Sydney Cove).
National Public Holiday

Family get together and celebrations Source: Getty Images
Taong 1994 nang simulan ng buong bansa ang pagdiriwang ng Australia Day tuwing ika-26 ng Enero bilang isang pambansang pampublikong holiday. Para sa marami, ito ay isang araw upang gugulin sa mga kaganapan sa komunidad o sa isang barbecue kasama ng pamilya, mga kaibigan at paglalaro ng cricket.
Citizenship ceremonies

Prime Minister Malcolm Turnbull (C) with newly sworn Australian citizens at an Australia Day Citizenship Ceremony. Source: Getty Images
Sa araw ng ika-26 ng Enero, ginaganap ang mga seremonya ng pagka-mamamayan sa buong bansa.
Para sa karamihan ng mga tao, ang huling hakbang sa pagiging isang mamamayang Australyano ay ang panunumpa sa pangako bilang isang mamamayan.
Basahin ang mga dagdag na impormasyon sa Department of Immigration website tungkol sa kung paano ginagawa ang proseso.
Invasion Day

People marched throughout the nation on Australia Day 2016, and called for it to be renamed 'Invasion Day' Source: Getty Images
Para sa ilang Australyano, partikular sa hanay ng mga taong Aboriginal and Torres Strait Islander, ang ika-26 ng Enero ay hindi araw ng pagdiriwang, ngunit tinitignan bilang isang araw ng paggunita sa pananakop ng mga dayuhang Briton sa mga lupaing mayroon nang nagma-may-ari.
A day of mourning

Picture: AIATSIS Source: Getty Images
Taong 1938, sa pagdiriwang ng ika-150 taong anibersaryo, nagpulong si William Cooper, isang myembro ng Aboriginal Progressive Association, at iba pang mga aktibista at isinagawa ang isang 'Araw ng Pagluluksa at Protesta'.
Kabilang sa araw na ito ang pagkilala sa kasaysayan ng mga taong Aboriginal and Torres Strait Islander ng Australia, kabilang ang trauma na dulot ng mga patakaran ng pamahalaan na asimilasyon at paghihiwalay kung saan maraming tao ang ini-alis mula sa kanilang mga tradisyonal na lupa at kultura..
Indigenous sovereignty

Indigenous Sovereignty Source: Getty Images
Ang Invasion Day ay tinitignan din bilang isang pagkakataon upang igiit ang soberenya ng mga katutubong tao. Bawat taon, ginaganap ang mga martsa sa mga lungsod sa buong Australia, ipino-protesta ang 'pagdiriwang' ng Australia Day at nananawagan para sa soberenya at katarungang panlipunan para sa mga katutubong Australyano.
Bakit Babaguhin ang Petsa?

An Australia Day protest on January 26, 2016. Source: Getty Images
"Humanap tayo ng isang araw kung saan maaari nating maramdaman na lahat tayo ay kasali, kung saan lahat tayo ay maaaring makibahagi ng pantay-pantay, at maaaring magdiwang na ipinagmamalaki ang iisang Australyanong pagkakakilanlan." ("Let us find a day on which we can all feel included, in which we can all participate equally, and can celebrate with pride our common Australian identity.") - Lowitja O’Donoghue, Australian of the Year ng taong 1984.
Survival Day

A woman holds the Aboriginal and Torres Strait Island flags at a Survival Day Concert on January 26, 2015. Source: Getty Images
“Siyamnapung porsyento ng mga tao ay nagsasabi na ang Australia Day ay dapat na kapalooban ng mga kulturang Aboriginal and Torres Strait Islander. Lubos akong naniniwala na darating ang araw, pipili tayo ng araw na komprehensibo at ingklusibong araw para sa lahat ng Australyano." (“Ninety per cent of people are saying Australia Day should be inclusive of Aboriginal and Torres Strait Islander cultures. I firmly believe that someday we will choose a date that is a comprehensive and inclusive date for all Australians.”) - Mick Dodson, law professor at Australian of the Year ng taong 2009.
Ang National Australia Day Council ay itinatag noong taong 1979 at pinag-uugnay ang maraming kaganapan na isinasagawa kabilang ang Australia of the Year Awards.