Kung kayo ay naghahanap, narito ang ilang gabay para sa mga mapagpipilian na childcare upang kayo ay makapagsimula.
Long day care

Source: WikiCommons
Ito ang pinaka-karaniwang mga pagpipilian para sa mga magulang na may mga anak na nasa preschool, dahil nag-aalok sila ng pag-aalaga sa isang grupo mula ika-pito ng umaga hanggang ika-anim ng gabi. Maaaring pumili na ipatala ang inyong anak na pumasok ng full-time o part-time. Ang Long day care ay karaniwang naniningil kada araw.
Ayon sa Australian Institute of Family Studies, nasa 45 porsyento ng mga bata na nasa pagitan ng gulang na 2-3 taong gulang ay pumasok sa long day care noong taong 2011.
Family day care

Source: WikiCommons
Ang Family day care ay isang aprubadong serbisyo na ibinibigay sa sariling tahanan ng tagapag-turo. Ito ay higit na tila isang kapaligiran na tulad ng isang tahanan kumpara sa mga long day care centre, mas maiksi ang mga oras at mas kakaunti ang bilang ng mga bata. Ang Family day care ay maaaring maningil ng kada oras o bahagi ng isang oras.
Napag-alaman ng isang pag-aaral ng ABS patungkol sa Childhood Education and Care na 2.5 porsyento ng mga batang Australyano ay pumasok sa family day care noong taong 2014.
Preschool or kindergarten care

Source: WikiCommons
Ang mga preschool (kilala din sa tawag na kindergarten) ay nagbibigay ng isang programang pang-edukasyon sa isang nakalaang kapaligiran na tulad ng sa preschool, nakatakda para sa mga bata na ang edad ay nasa pagitan ng tatlo at limang taong gulang.
Iminumungkahi ng Preschools NSW ang serbisyong ito para sa mga bata dalawang taon bago sila mag-umpisang pumasok sa ganap o full-time na pag-aaral. Sa pangkalahatan, ang mga bata ay maaaring pumasok ilang araw sa bawat linggo. Karamihan sa mga serbisyo ay bukas sa pagitan ng ika-9 ng umaga at ika-3 ng hapon sa panahon na may pasok lamang sa paaralan.
Pangangalaga pagkatapos ng oras ng klase o eskwela

Source: WikiCommons
Ang mga programang ito ay karaniwang naka-ugnay sa paaralan at maaaring magamit ng mas nakatatandang bata na pumapasok sa paaralan ngunit kailangan nila ng pangangalaga bago o pagkatapos ng klase o sa panahon ng bakasyon.
Paminsan-minsang pangangalaga

Source: WikiCommons
Maaaring makita ang ganitong uri ng serbisyo sa kapitbahayan o a mga community centre, minsa'y binuo ng mga kooperatiba ng mga magulang. Ang bilang ng oras ng paminsan-minsang pangangalaga na maaaring magamit ng sinumang bata kada linggo ay limitado.
Makipag-ugnayan sa inyong lokal na konseho para sa ibang detalye.
Pangangalaga sa sariling tahanan

Source: Getty
Ang serbisyong ito ay pinondohan ng gobyerno para sa mga pamilya na matutugunan ang ilang partikular na pamantayan, halimbawa, ang pangangalaga para sa isang bata na may kapansanan o naninirahan sa mga malalayong lugar o nag-aalaga sa tatlo o higit pang bata na hindi pa pumapasok sa paaralan.
Impormal na pangangalaga

Source: Pixabay
Ang ganitong uri ng pangangalaga ay karaniwang ibinibigay ng mga lolo't lola, mga kamag-anak, kaibigan, kapitbaha at mga tagapag-alaga.
Halimbawa, kung kayo ay isang lolo o lola na tumatanggap ng pensyon at kayo ay may pangunahing tungkulin na mag-alaga sa inyong mga apo, kayo ay maaaring karapat-dapat na makatanggap ng Grandparent Child Care Benefit. www.humanservices.gov.au
Paano naman ang tungkol sa mga gastusin sa childcare?
Ang pamahalaang Australia ay nagbibigay ng suporta para sa child care para sa mga karapat-dapat na pamilya. Kailangan ninyong magpatala sa Centrelink at gumamit ng aprubado o naka-rehistrong serbisyo ng child care.
Ang Child Care Benefit ay nagbabayad ng bahagi ng bayarin at ito ay means tested kaya ito ay depende sa kita ng isang kabahayan sa kung magkano ang matatanggap ninyong tulong sa Child Care Benefit.
Ang Child Care Rebate ay nagsasauli sa inyo ng epektibong 50 porsyento ng iyong mga gastos mula sa sariling bulsa. Halimbawa, ikaw ay gumagamit ng serbisyo ng mahabang araw na pangangalaga na sumisingil ng $100 kada isang araw; maaari kayong maging karapat-dapat para sa hanggang $40 o $46 ng sakop ng Child Care Benefit.
Child Care Benefit (CCB) – ang laki ng inyong kita at uri ng pangangalaga ang tumutukoy kung magkano ang inyong matatanggap.
Child Care Rebate (CCR) – kung kayo ay gumagamit ng aprubadong childcare para sa trabaho, pagsasanay o mga dahilang kaugnay ng pag-aaral, maaari kayong makatanggap ng hanggang 50 porsyento ng inyong sariling pera na inyong ginastos sa childcare, hanggang $7500 (indexed) para sa bawat isang bata kada taon, Hindi ito means-tested.
Para sa dagdag na impormasyon sa mga opsyon ng child care sa inyong lugar makipag-ugnayan sa inyong lokal na konseho o bisitahin ang www.mychild.gov.au at upang malaman ang tungkol sa pag-akses ng tulong-pinansyal bisitahin ang www.humanservices.gov.au.
Maaari din ninyong makita ang antas ng kalidad ng isang tagapagbigay ng serbisyo sa pamamagitan ng pagbisita sa Australian Children's Education & Care Quality Authority (ACECQA)