Settlement Guide: Alam ba n'yo na maaaring makakuha ng libreng payong legal sa Australia?

Sa Australia, ang libreng payong legal ay ibinibigay para sa ilang hanay ng isyu: mula sa kung paano tumugon sa isang multa sa paglabag sa batas trapiko, hanggang sa kung ano ang gagawin sa isang krisis pampamilya.

justice

Source: Pixabay

Ang ating gabay para sa paninirahan sa linggong ito para sa mga bagong migrante sa Australya, ay nakatuon sa kung paano makakakuha ng tulong para sa mga sitwasyong ligal.

Sino ang maaaring makatulong sa mga problemang legal?

Victoria Legal Aid
Source: Victoria Legal Aid via Facebook


May walong legal aid commissions sa Australya, isa sa bawat estado at teritoryo. Ang layunin ng mga komisyon na ito ay magbigay sa mga bulnerable, nadedehado at mga bagong dating na Australyano ng akses sa hustisya, ngunit lahat ng tao ay may karapatan sa libreng payong legal. Sila ay nagbibigay ng tulong legal sa mga usaping kriminal, pamilya at batas pantao.

Paano kung kailangan na humarap ka sa hukuman?

Law courts
Source: NSW Department of Justice


Kung kailangan mo ng higit sa payong legal, ikaw ay maaaring mabigyan ng isang abogado na tutulong sa iyong kaso.   Gayunman, ang representasyon sa korte ay sinusuri depende sa pangangailangan o means tested ng Legal Aid at ito ay hindi palaging libre.

Halimbawa sa NSW maaari kang makakuha ng grant of legal aid at ang halaga ng iyong babayaran ay depende sa iyong pinansyal na sitwasyon at kung anong klase ng problemang legal mayroon ka.

Saan pa ako maaaring makakuha ng tulong legal?

May ilang libreng serbisyo na umiiral na maaari mong magamit:

Ang Community Legal Centres ay nagbibigay ng libreng payong legal at nagbibigay ng tulong sa mga problema na hindi sakop ng Legal Aid.

Ang Immigration Advice and Rights Centres ay nagbibigay ng payo sa karamihan ng usapin kaugnay ng batas ng imigrasyon, kasama ang tulong sa pagpasa ng mga aplikasyon at apila.

Ang Migrant Resource Centres ay nagbibigay ng impormasyon, tulong at suporta sa paninirahan para sa mga migrante, repugi at mga dumarating sa pamamagitan ng pang-yumanitaryang kasunduan.  Dito makikita n'yo ang ilan sa mga katulad na sentro sa inyong estado:

At sa Australia din, maraming pampublikong aklatan ay mayroong mga Legal Information Access Centres na nagbibigay ng libreng impormasyon tungkol sa batas.

Maaari kayong makakuha ng libreng payong legal nang harap-harapan o sa pamamagitan ng telepono. Kung kailangan ninyo ng tagapagsalin, maaaring tumawag sa Translating and Interpreting Services TIS sa numero 131 450.

Bumisita dito para sa dagdag na impormasyon ukol sa Legal Aid Commissions sa inyong estado o teritoryo.



Share

2 min read

Published

Updated

By Ildiko Dauda

Presented by Annalyn Violata




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand