Settlement Guide: Alam ba n'yo na maaari kayong tumanggap ng tulong sa inyong kita sa Australya?

Walang trabaho? Ang mga naghahanap ng trabaho ay may akses sa social security system ng pamahalaang Australya kapag naharap sa kahirapan sa pinansya.

jobseekers

Jobseekers Source: AAP

Kaya, habang kayo ay naghahanap ng trabaho, narito ang ilan sa mga opsyon upang makatulong sa inyo.

Ano ang Newstart Allowance?
Job search
Source: AAP
Ito ang pangunahing makukuhang tulong kapag walang trabaho na nakalaan para sa mga tao na nasa gulang ng pagtatrabaho.  Ganunpaman, may ilang kondisyon. Halimbawa, kailangan mapatunayan ninyo na kayo ay tunay na naghahanap ng full time na trabaho kailangang dumalo sa mga itinakda pakikipagkita sa inyong ahensya ng trabaho at kailangan ding matugunan ang ibang mga mutual obligation requirements.

Gaano katagal kayong maghihintay?

Ang panahon ng paghihintay ay maaaring mula dalawang linggo hanggang dalawang bbwan matapos ninyong maipasa ang inyong kahilingan para sa inyong Newstart Allowance. Karaniwang depende ito sa Centrelink.

Paano kayo kikita?

Money wallet
Source: WikiCommons
Maaaring kayo ay nagta-trabaho at nasa ilalim din ng Newstart. Halimbawa, kung kayo ay nagta-trabaho ng isang beses sa bawat isang linggo, maaari pa rin kayong tumanggap ng bahaging bayad o ‘partial payment’. Maaari kayong kumita ng hanggang $104 bago bawasin ang buwis kada dalawang linggo. Ang bayad na inyong matatanggap ay babawasan ng 50 sentimo kada dolyar kung kayo ay kumikita sa pagitan ng $104 hanggang $254 kada dalawang linggo. Ang antas ng pagbawas ay $75 plus 60 cents for each dollar over $254.

Sino ang maaaring makakuha nito?

Job seekers attend a job fair in New York
Source: AAP
Bawat isang Australyanong residente na nakatira sa bansa sa loob ng hindi bababa sa dalawang taon ay maaaring makakuha ng tulong na ito. Ganunpaman, kailangan nilang matugunan ang income and assets tests at maging ang Mutual Obligation Requirements.

Ano ang 'Work for the Dole'?

Construction workers
Source: Reference.com
Ito ay isang programa na idinesenyo upang madagdagan ang kasanayan ng mga naghahanap ng trabaho, magbibigay sa kanila ng karanasan sa trabaho at magagawa nilang mag-ambag sa komunidad.  Kailangan ninyo makibahai sa programa ng Work for the Dole sa loob ng anim na buwan sa isang taon upang makuha ang inyong bayad sa ilalim ng Mutual Obligation Requirements.

Ano ang mangyayari kung mabigo kang matugunan ang Mutual Obligation Requirements?

Job search
Source: AAP
Maaaring suspindihin ang iyong Newstart, ngunit sa oras na muli kayong nakipag-ugnayan sa inyong ahensya ng trabaho,, maaari kayong muling makabalik sa pagtanggap ng kabayaran.


Ibang uri ng benepisyo para sa mga walang trabaho kabilang ang Youth Allowance para sa mga naghahanap ng trabaho na sa pagitan ng 16 hangagng 21 at ang Disability Support Pension para sa ga tao na nasa gulang pagitan ng 16-na taong gulang hanggang sa edad ng tumatanggap ng pensyon na hindi makapag-trabaho dahil sa mga kondisyong pisikal, intelektwal o saykayatriko.

Para sa mga dagdag na impormasyon ukol sa suporta sa kita, bisitahin ang website ng Department of Human Services.

Tulong sa pagsalin sa inyong wika

Phonecall
Source: Pexels
Kung kailangan ninyo ng tulong para sa pagsalin sa inyong wika, maaari kayong tumawag sa kagawaran sa kanilang Multilingual Phone Service sa 131 202 sa pagitan ng ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, upang makipag-usap sa isang opisyal na serbisyo ng wika.

Share

Published

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand