Settlement Guide: Paano ma-akses ang mga serbisyo ng Aged Care?

Ang mga kultural hadlang ay maaring pumigil sa ilang mga tao mula sa pag-akses ng mga serbisyo ng pangangalaga para sa mga nakatatanda - narito ang ilan sa mga pinakamahusay na opsyon.

My Aged Care

Diana & Ignatius are a case study example of how 'My Aged Care' can be used to help you access services (Department of Health) Source: Department of Health

Ayon sa Australian Bureau of Statistics, sa loob ng ilang taon, 30 porsiyento ng populasyon na may edad 65 taon at pataas ay manggagaling sa mga may pinagmulang magkakaibang kultura at wika. Gayon pa man, may mga ilang mga kultural na mga hadlang na maaaring pumigil sa ilang mga tao mula sa pag-akses ng mga serbisyo ng pangangalaga ng mga may edad na.

Ang mga reporma sa Increasing Choice in Home Care na magsisimula sa ika-27 ng Pebrero 2017 ay magpapabuti ng paraan na ang mga serbisyo sa pangangalaga ay maihatid sa bahay para sa mga nakatatandang Australyano.

Samantala, ang pasilidad na 'My Aged Care' ng Pamahalaang Australya ay gumaganap bilang ang pinakamahusay na one-stop-shop para sa buong hanay ng mga serbisyo para sa pangangalaga ng mga may edad na, na maaaring magamit sa buong bansa - mula sa mga gawaing tulad ng pagdadamo, pamimili o paglilinis, hanggang sa mga kumplikadong pangangailangan, tulad ng mga alternatibong suporta para sa akomodasyon o matitirhan.

Kaya, saan kayo pupunta kung kayo ay nakatira sa tahanan at nangangailangan ng mga serbisyo ng aged care?

Sino ang inyong tatawagan kung kailangan ninyo ng tulong para makahanap ng tamang serbisyo ng pangangalaga o suporta?

Ang pasilidad na My Aged Care ay binubuo ng isang Call Centre at Website upang tumulong sa inyo na makahanap ng mga serbisyo na makakatulong sa inyo na manatili ng mas matagal sa bahay. Maaari kayong tumawag ika-walo ng umaga hanggang ika-walo ng gabi Lunes hanggang Biyernes at sa pagitan ng ika-sampu ng umaga hanggang ika-dalawa ng hapon tuwing Sabado sa 1800 200 422 o bisitahin ang www.myagedcare.gov.au.

Ano ang susunod na mangyayari at paano ko malalaman ang mga serbisyo na maaari kong magamit?

1. Una, ang kawani ng sentro ay gagawa ng client profile para sa inyo kung saan kasama ang inyong Medicare card number, pension card number (kung meron kayo nito), detalye ng inyong doktor, listahan ng mga gamot na inyong ini-inom, detalye ng inyong pamilya na maaaring makausap, inyong tirahan at numero ng telepono. Kailangan din ninyong sabihin kung anong mga tulong ang kasalukuyang tinatanggap ninyo, anong kalagayan ng inyong kalusugan at paano ninyo pinamamahalaan ang sarili sa inyong bahay.

2. Kapag nagawa na ang inyong client profile, iisa-isahin ng kawani ng sentro ang mga serbisyo ng aged care na maaaring magamit ninyo sa inyong lugar. Papayuhan nila kayo tungkol sa pinakamahusay para sa inyong pangangailangan, halaga ng mga serbisyo, kasama na dyan ang kalkulasyon ng mga babayaran at ibibigay sa inyo ang mga opsyon na pumili ng inyong service provider.

3. Kapag kayo ay naka-rehistro na, ipapadala ang inyong kahilingan sa isang taga-bigay ng serbisyo. Makikipag-ugnayan sa inyo ang taga-bigay ng serbisyo upang ayusin ang oras ng pagbisita sa inyo o simulan ang kinakailangang serbisyo.

4. Kung kayo ay may higit na kumplikadong mga pangangailangan, ang Aged Care Assessment Team ay maaaring bisitahin kayo sa inyong tahanan upang gawin ang isang home assessment at alamin ang plano ng suporta ng pangangalaga para sa inyo.

Mayroon bang impormasyon sa aking sariling wika?

Maraming lokal na multikultural na pasilidad ng aged care na matatagpuan sa buong Australya. Narito ang buong listahan ng lahat ng pasilidad ng aged care sa Australya

Kapag tumawag kayo sa 'My Aged Care', maaari ninyong laging hilingin sa sentro na kayo ay gumamit ng tagapagsalin para sa inyo. O sabihin lamang ang inyong wika at kayo aay agad na iko-konekta. O maaari kayong tumawag sa TIS sa numerong 131 450 at hilingin na tawagan nila ang My Aged Care Call Centre para sa inyo.

Ang My Aged Care ay maaaring makatulong sa inyo sa pag-akses ng mga impormasyon ng aged care sa inyong wika.

Ilang bilang ng mga multi-lingwal na publikasyon kaugnay ng pagtanda at pangangalaga ay mayroon din.

Bisitahin ito para sa mga dagdag na impormasyon mula sa Ethnic Communities Council of NSW


Share

Published

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand