Settlement Guide: Paano makaka-akses ng pampublikong pangangalagang dental sa Australya

Ang regular na pagpapasuri sa dental na kalusugan mula sa murang gulang ay maaaring makatulong sa inyong oral na kalusugan sa kinalaunan ng inyong buhay. Ganunpaman, saklaw lamang ng Medicare ang ilang serbisyong dental kung ang mga ito ay kinakailangan sa inyong pangkalahatang kalusugan.

Dentist visit

Dentist visit Source: AAP

Sino nga ba ang maaaring makakuha nito at ano ang ibang mga opsyon?

Saan maaaring makahanap ng mga pampublikong serbisyong dental?

At the dentist
Source: Getty Images/Xixinxing
Karaniwang inihahatid ang mga pampublikong serbisyong dental sa pamamagitan ng mga mobile dental clinic, mga dental clinic sa paaralan at mga dental klinik sa komunidad. Para sa mga dagdag na detalya sa mga pampublikong serbisyong dental sa inyong estado o teriitoryo, bisitahin ang website ng inyong State Health Department.

Sino ang karapat-dapat maka-akses?

Ang bawat estado ay may kaunting pagkakaiba sa mga pamantayan, ngunit sa pangkalahatan, kung kayo ay mayroong Health Care Card, Pension Concession Card na ini-isyu ng Centrelink, Commonwealth Seniors Health Card, Pensioner Concession Card na ibinigay ng Department of Veterans' Affairs, kayo ay maaaring makakuha ng pangangalagang dental na pinondohan ng publiko.  Halimbawa, sa Victoria, ang mga repugi at asylum seeker ay mabibigyan din ng libreng pangangalaga.

Paano naman ang mga bata at nakababatang tao?

Brushing teeth
Source: Flickr
Halos lahat ng Australyanong bata na may Medicare ay maaaring makabenepisyo mula sa Australian Government's Child Dental Benefits Schedule. Magkakaiba ito sa bawat estado ngunit sa pangkalahatan, ang mga bata bago sila dumating sa gulang na 18 ay maaaring makakuha ng pangangalagang dental kung sila ay sakop ng partikular na family tax benefit. Ilang estado tulad ng Queensland, ay nangangailangan ng kumpletong kasaysayang medikal at consent form para sa lahat ng bata at kabataan bago ang paggamot. Ang mga consent form ay nakasalin na ngayon sa 20 wika.

Pagpapasuri sa pribadong dentista?

Centrelink
Source: Department of Human Services
Pagdating sa pagbabayad para sa mga serbisyong pang-dental, magkakaiba ang mga pag-singil depende sa dentista at kung saan kayo nakatira. Ang isang mahusay na health insurance ay maaaring makabawas sa bayarin, ngunit madalang na saklaw nito ang kabuuang gastos.  Sa average, maaaring maibalik lamang sa mga kliyente ng pribadong health insurance ang nasa kalahati ng mga bayarin sa dental.

Paano kung wala kayong insurans?

Dentist visit
Source: AAP
Kung kayo ay nasa badyet, mahalagang tanungin ang inyong dentist tungkol sa halaga ng babayaran bago magpasailalim sa pagsusuri o paggamot at sa ganoong paraan mas madali para sa inyo na makapag-badyet.

Paano makakatipid sa gastusin?

Maaaring magpatala at magpasuri sa isang dentistry school. Makakatipid kayo sa pera dahil ang kanilang singil sa pangkalahatan ay mas mababa kaysa sa mga pribadong dentista.

Mga karagdagang impormasyon?

Para sa mga dagdag na impormasyon tungkol sa mga pampublikong serbisyong dental sa inyong estado o teritoryo, bisitahin ang website ng inyong State Health Department.


Share

Published

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand