Settlement Guide: Paano makakakuha ng pampublikong pabahay?

Para doon sa mga bago pa lamang na dumating sa Australia, ang mga resources tulad ng pampublikong pabahay ay maaaring maging mahalagang makuha, ngunit ito nakakalito na makakuha ng impormasyon tungkol dito. Narito ang limang bagay na dapat isaalang-alang upang kayo ay makapagsimula.

housing in Sydney

Source: AAP

Sa Australia, ang mga pampublikong pabahay ay ibinibigay sa pamamagitan ng pamahalaan upang makatulong sa mga tao na may mababang kinikita, sa mga tao na hindi kayang makabili ng sailing tahanan o maaaring may problema na maka-ua ng bahay sa pribadong sektor. Binibigyan ng prayoridad iyong higit na mga nangangailangan.

Ako ba ay karapat-dapat?

Cheti cha uraia na pasi ya Australia
Cheti cha uraia na pasi ya Australia Source: SBS
Kailangan n'yong suriin ang site ng awtoridad ng pabahay sa inyong estado para sa eksaktong pamantayan. Halimbawa, kabilang sa pamantayan para sa pagiging karapat-dapat para sa pampublikong pabahay sa NSW na, ang isang tao ay dapat na isang mamamayan o mayroong permanenteng paninirahan sa Australia; nakatira sa NSW; mayroong kita ng kabahayan na nasa loob ng mga limitasyon ng income eligibility ng Kagawaran at sa pangkalahatan ay 18 taong gulang o higit pa.

Para sa mga dumating o pumasok sa Australia sa ilalim ng pantaong tulong, kailangan din na matugunan nila ang mga kaparehong kinakailangan tulad ng ibang mga Australyano upang maging karapat-dapat para sa pampublikong pabahay. Sila ay hindi kinakatigan at kailangang manatili sa tala ng mga naghihinta, tulad ng ibang mga Australyano na nangangailangan ng mga pampublikong pabahay. 

Saan ako maaaring manirahan?

Australia
Source: en.wikipedia.org2190


Maaari kang pumili ng ilang mas gustong mga lugar ngunit hindi tiyak na mga arabal. Gayunpaman, maaari mong laging baguhin ang iyong mas gustong lugar habang ang iyong aplikasyon ay nasa rehistro. Maaari mo ring hilingin ang isang partikular na uri ng pabahay kung mayroon kang medikal na mga pangangailangan tulad ng akses ng wheelchair. Maaaring kailanganin mong punan ang isang hiwalay na form - ang application for special accommodation requirements (pdf  dito).

Gaano katagal akong maghihintay?

Why is 2016 going to be one second longer?
Source: Public Domain/Pixabay


Depende sa kung saang estado, ang paghihintay maaaring mula sa ilang buwan o hanggang ilang taon.  Ito ay depende rin sa iyong kalagayan. Maaari itong maapektuhan ng lokasyon na iyong pinili, ang bilang ng mga tahanan na kailangan, ang bilang ng mga aplikante na nakarehistro o kung mayroon kang mga espesyal na pagbabago na kinakailangan . Halimbawa, may mga limitadong demand ng mga pabahay na mayroon sa Victoria ngayon. Subalit, ang mga pabahay ay karaniwang nasa mga malalayo o rural na lugar.

Magkano ang kailangan kong ibayad na upa?

Australian dollars in Sydney, Friday, Jan. 15, 2016. (AAP Image/Joel Carrett) NO ARCHIVING
Sally says all her savings have been depleted since going on maternity leave. Photo: AAP Source: AAP


Kailangan mo pa ring magbayad ng upa, ngunit ito ay ini-aakma upang sa gayon ito ay hindi kailanman higit sa 25 porsyento ng iyong kita, kabilang ang sahod at mga pagbabayad mula sa Centrelink. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang Social housing income and assets limits.

Paano magpapasa ng aplikasyon?

Maaari kang mag-aplay sa pamamagitan ng iyong pang-estadong awtoridad ng pabahay na nakaka-alam ng iyong pagiging karapat-dapat. Sa Victoria maaari kang magtungo sa Apply for social housing para sa karagdagang impormasyon at akses sa mga form sa online at aplikasyong gumagamit ng papel.

Bisitahin ang mga site na ito para sa mga dagdag na impormasyon tungkol sa inyong pang-estadong awtoridad ng pabahay:


Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand