Alam ba mo ba kung ikaw ay karapat-dapat para sa family tax benefit? At kung ikaw ay mayroon na nito, alam mo ba na may mga pagbabago na mangyayari simula sa unang araw ng Hulyo? Narito ay maikling gabay para sa family tax benefit.
Ano ang family tax benefit?
Ito ay isang kabayaran na tumutulong sa mga pamilya sa mga gastusin sa pagpapalaki ng mga anak. Ito ay bahagi ng sistema ng pagbubuwis, ngunit karamihan sa mga pamilya ay pinipili na makuha ng maaga ang benepisyo kada dalawang linggo. Sa Australia, ang Department of Human Services (DHS), sa sangay nito na Centrelink ang siyang namamahala para sa pagbabayad para sa suporta para sa mga pamilya, kabilang ang family tax benefit.
Family tax benefit part A at part B
Karamihan ng pamilyang Australyano ay maaaring makakuha ng bahagi ng family tax benefit part A. Ito ay kina-kalkula base sa iyong binubuwisang kita, bilang ng mga anak at kanilang mga edad.
Ang family tax benefit part B ay para sa mga mababa ang kinikita at mga pamilya na isa lamang ang nagta-trabaho o kumikiya. Ilang pamilya ay maaaring makatanggap ng part A at B.

Source: Australian Institute of Family Studies
Sino ang karapat-dapat na makatanggap?
Una sa lahat ikaw ay dapat na isang mamamayang Australyano o may hawak ng permanent visa, isang Special Category visa o partikular na pansamantalang uri ng bisa tulad ng Partner Provisional o Temporary Protection visa. Ikaw ay maaaring karapat-dapat na tumanggap kung ang iyong anak ay mas bata sa 20 taong gulang at hindi tumatanggap ng pensyon o ibang benepisyo. O kung ikaw ay kailangang magbigay ng pangangalaga para sa iyong anak nang hindi bababa sa 35 porsyento ng oras. Kailangan ding matugunan mo ang kinakailangang income test o antas ng kita.
Paano magpapasa ng aplikasyon?
Maaaring magpasa ng aplikasyon sa online sa DHS website. Maaari mo ring simulan ang proseso bago ang kapanganakan ng iyong anak. Pagkatapos mong manganak, ang mga social worker sa ospital ay maaari ring sumagot ng mga tanong at makakatulong sa iyong makuha ang dokumentasyon na kailangan mo para sa iyong claim, tulad ng isang birth certificate.

Source: Australian Institute of Family Studies
Panatiling tama ang iyong impormasyon at pinakabago
Mahalaga na panatilihing pinakabago o up to date ang iyong impormasyon dahil ang mga kabayaran ay base sa inaasahang kita para sa taon, kaya kailangang tama ang iyong ibibigay na bilang. Sa pagtatapos ng taong pinansyal, kailangan mong magpasa ng tax return o sabihin sa DHS kung hindi mo kailangang magpasa ng isa. Pagkatapos ay itatama o aayusin ng DHS ang iyong utang o itaas ang iyong mga pagbabayad.
Multi-lengguwal na kawani na tutulong sa iyo
Ang DHS ay mayroong din mga kawani na iba't iba ang wika sa buong bansa na maaaring makatulong sa iyo sa iyong wika.
"Sa tingin ko, na patas na sabihin na ang mga kawani sa aming mga harapang serbisyo ay sumasalamin sa komunidad na aming pinaglilingkuran. Halimbawa sa Kanlurang Sydney, marami kaming kawani na may pinagmulang Timog Silangang Asya, Tsino at siyempre mga Arabic, na nangangahulugan na nakahanda kami na tumulong sa mga tao na humaharap sa kahirapan sa wika," ito ang sinabi ni DHS general manager Hank Jorgen sa wikang Ingles sa SBS.
Mga pagbabago sa single income family supplement mula 01 Hulyo 2017
Maaaring ikaw ay isa sa mga pamilya na tumatanggap ng supplement o tulong sa katapusan ng pampinasyang taon, dagdag sa iyong tinatanggap kada dalawang linggo. Mahalagang malaman mo na mula sa unang araw ng Hulyo 2017, walang bagong pamilya ang makakakuha ng single income family supplement. Ngunit kung ikaw ay tumatanggap na nito,ikaw ay mananatiling tatanggap hanggang sa ikaw ay karapat-dapat na makatanggap nang walang tigil. Ganunpaman, maaaring mawala sa iyo ang kabayarang ito kung ikaw ay aalis ng Australya kasama ang iyong anak sa loob ng mahigit anim na linggo o kung ikaw ay may napakataas na kita.

Source: Wikimedia
Mga serbisyo ng tagapagsalin
Maaaring tumawag sa multilingual phone service upang makipag-usap tungkol sa mga kabayaran at mga serbisyo ng Centrelink, Lunes hanggang Biyernes, mula ikawalo ng umaga hanggang ikalima ng hapon sa 131 202.
Para sa mga dagdag na impormasyon tungkol sa family tax benefit at kung paano magpasa ng impormasyon, magtungo sa DHS website.
Source: Department of Human Services