Ang mga repugi ay higit na nasa panganib ng pagkakaroon ng mga problema sa kalusugan ng kaisipan kaysa sa pangkalahatang populasyon ng Australya. At ang estigma na nakapalibot sa sakit sa kaisipan, kakulangan ng kamalayan tungkol sa magagamit na mga serbisyo at kawalan ng kasanayan sa wikang Ingles ay maaaring lalong magpahirap upang maka-akses sa mga serbisyo sa pangkaisipang kalusugan.
Narito ang ilan sa mga hakbang upang makahanap ng mas mahusay na pangangalaga sa kalusugan sa kaisipan.
Bisitahin ang inyong GP
Ang unang tao na dapat kang makipag-ugnayan ay ang iyong GP na maaaring maka-akses ng iyong kondisyon at maghanda ng isang “Mental Health Treatment Plan” para sa iyo. Ikaw ay maaaring isangguni sa mga serbisyo ng kalusugan ng kaisipan sa Medicare, tulad ng saykayatrist, kapag ikaw ay mayroon nang “Mental Health Treatment Plan” mula sa iyong GP.

Doctor with patient in hospital Source: Getty Images
Mga diskuwento sa Medicare
May mga diskuwento sa Medicare para sa mga piling serbisyon para sa kalusugan ng kaisipan, na ibinibigay ng mga GP (general practitioner), saykayatrista, sikolohista, mga karapat-dapat na social worker at mga occupational therapist. Depende sa iyong pangangailangan ng pangangalaga para sa kalusugan, kasunod ng unang anim na sesyon ng paggamot, ikaw ay maaaring bumalik sa iyong GP o psychiatrist para sa bagong pagsangguni para sa dagdag na apat na sesyon.

Source: AAP
Ikaw ba ay maaaring makakuha nito?
Ikaw ay maaaring makakuha ng diksuwento kung ikaw ay mayroong Medicare card at kung ikaw ay natasa na may karamdaman sa isip. Ang inisyatiba ng pamahalaan na Better Access para sa pangangalaga ng kalusugan ng kaisipan ay maaaring magamit ng mga "pasyente na natasa o nasuri na may karamdaman sa kaisipan na maaaring magbenepisyo mula sa isang nakabalangkas na paraan upang mapamahalaan ang kanilang pangangailangan na paggamot" ("patients with an assessed mental disorder who would benefit from a structured approach to the management of their treatment needs".
Gayunpaman, may ilang hindi kasama sa mga saklaw sa ilalim ng inisyatiba. Alamin dito kung ikaw ay karapat-dapat.
Kung kailangan ng dagdag na impormasyon kung ikaw ay karapat-dapat, at kung paano makakakuha nito at ang proseso ng pagbabayad, maaaring tumawag sa Medicare Australia sa 132 011 o bisitahin ang Medicare.
May magagamit bang mga tagapagsalin?
Interpreter in Health sector Source: SBS
Ang pag-uusap tungkol sa mga senstibong isyu ng kalusugan sa wika na hindi pamilyar sa iyo ay hindi mainam. Gayunman, iminumungkahi ng mga medikal na propesyonal na huwag umasa sa mga kamag-anak o miyembro ng pamilya upang maging tagapagsalin, dahil ito ay maaaring magdulot ng problema.
Kung kaya may mga tagapagsalin o interpreter na maaaring magamit. Ang inyong medikal na propesyonal ay may akses sa mga tagapagsalin sa pamamagitan ng telephone interpreting service para sa parehong telepono at onsite interpreter, kung kaya maaaring asahan na magagamit ang serbisyo ng mga tagapagsalin upang makakuha ng pinakamahusay na kalalabasan ng pangangalaga ng kalusugan para sa iyo.
Mga serbisyo ng pagpapayo para sa mga nakakaranas ng labis na pagpapahirap (o torture) at trauma

Refugee and migrant mental health in Australia. Source: AFP
Kung ikaw ay nakaranas ng labis na pagpapahirap (torture) at trauma na patuloy na nakakaapekto sa iyong buhay, may mga espesyal na serbisyo ng pagpapayo na maaaring magamit. Ang STTARS (Survivors of Torture and Trauma Assistance and Rehabilitation Service) ay tumutulong sa mga tao na may pinagmulang repugi o migrante na nakaranas ng torture o trauma bilang resulta ng persekusyon, karahasan, digmaan olabag sa batas na pagkabilanggo bago ang kanilang pagdating sa Australya. Ang STTARS ay nagbibigay ng lingguhang kilinika ng kalusugan ng kaisipan na nagpapahintulot na maka-akses sa mga serbisyo ng saykayatriko sa isang lugar sa komunidad.
Ibang serbisyo na naka-base sa komunidad
Migrant Refugee Resources Source: Migrant Refugee Resources
Ang inyong komunidad at mga koneksyon sa lipunan ay mahalaga para sa mabuting kalusugan ng kaisipan. May ilang mga serbisyo na naka-base sa komunidad na maaaring magamit upang makatulong sa inyo. Halimbawa ang Migrant Resource Centre sa Liverpool, isang sesyon ng pagbibigay ng impormasyon na pinapatakbo ng isang grupo sa NSW para sa mga bagong dating, tungkol sa proseso ng pag-aayos (adjustment) at kalusugan ng kaisipan sa pangkalahatan, sumusubok na makapagbigay ng pag-unawa tungkol dito.
“Tuland ng lokal na serbisyo ng Partners in Recovery na maaaring makatulongsa proseso ng pagrekober," ("Like the Partners in Recovery local service which can assist part the recovery process,”) ito ang sinabi ni LMRC client service manager Olivia Nguy.
Ayon sa Asylum Seeker Resource Centre client service manager Samantha Ratnam, "nalalaman nila na ang mga karanasan sa isang lugar tulad ng Australya, kapag ang mga tao ay humihingi ng pagkanlong at habang hinihintay ang resulta ng kanilang aplikasyon na ma-proseso, ay maaaring magkaroon ng negatibong kalalabasan para sa kanilang mental na kalusugan" (“We know that the experiences in a place like Australia, when people are seeking asylum and while they wait for the outcome of their refugee application to be processed, can have really negative consequences for their mental health”).
May mga espesyal na programa kabilang ang libreng pagbibigay payo na maaaring magamit kung ikaw ay nakakaranas ng labis na sikolohikal na pagkabalisa. Maaari ka rin makakuha ng pagsangguni para sa pagsusuri ng isang saykayatriko at mga programa ng paggamot.
Ang Humanitarian Settlement Services program (HSS) ng Australya ay nagbibigay din ng praktikal na suporta para sa mga yumanitaryan na pumapasok hanggang isang taon matapos ang kanilang pagdating.
Mga mahalagang link:
Para sa mga dagdag na impormasyon tungkol sa mga inisyatiba para sa kalusugan ng kaisipan sa inyong wika, bisitahin ang: Mental Health in Multicultural Australia.
Asylum Seeker Resource Center's Telethon for World Refugee Day