Settlement Guide: Paano makipag-ugnayan sa pulisya sa inyong komunidad

Para sa maraming bagong dating sa Australya, o sa mga hindi nakakapag-salita ng Ingles, maaaring mahirap na umabot o magtiwala at makipag-ugnayan sa pulisya - ngunit ang kapulisan ay andiyan upang tumulong. Maraming may mga espesyal na mga mapagkukunan at mga programa na ipinapatupad upang tulungan ang gayong mga miyembro ng komunidad - narito ang ilan lamang.

Approaching police

Coffee with a Cop at Fairfield Source: NSW Police Instagram

Ang pagbuo ng tiwala ay nangangailangan ng panahon - at para sa maraming mga bagong dating sa Australia, o mga taong hindi nagsasalita ng Ingles, ang paglapit sa mga awtoridad ay maaaring minsa'y tila nakakatakot.

Ngunit hindi ka dapat na matakot na lumapit sa iyong lokal na pulisya o humingi ng tulong kapag kailangan.  Maraming mga resources at mga inisyatiba na maaaring magamit upang tumulong sa mga hindi makapagsalita ng wikang Ingles at mga komunidad migrante. Narito ang ilan lamang:

Mga programa para sa komunidad

Mag-kape kasama ng isang pulis o ‘Coffee with a Cop’
Ang programang ito ay unang sinimulan sa Estados Unidos upang magkasama ang mga opisyal ng pulisya at ang komunidad upang talakayin ang mga isyu at magkaroon ng higit na kaalaman tungkol sa bawat isa sa isang magiliw na kapaligiran habang nagkakape.
Ngayon ito ay ipinapakilala na din sa Australya, sinisimulan sa buong New South Wales matapos na simulan ng Kumander ng Fairfield, Superintendent Peter Lennon, ang mga coffee meeting o pagpupulong habang nagkakape sa anyang multikultural na komunidad.  Naniniwala siya a ang programang ito ay nakakatulong na mapaglabanan ang kawalang tiwala ng maraming bagong dating tungo sa mga tauhan ng mga tagapagpatupad ng batas.
Ano ang nagaganap sa mga pagpupulong?

Bukod sa pagtutulay sa pagitan ng kapulisan at mga komunidad repugi, ang mga pagpupulong ay nagbibigay din ng pagkakataon na magbigay ng impormasyon tungkol sa mga batas at alituntunin na ipinapatupad kapag tinawag ang pulisya sa isang insidente.  Sa pamamagitan ng pagdalo sa coffee meeting, maaaring magkaroon ng higit na kaalaman tungkol sa mga kapangyarihan ng pulisya - gaya ng kanilang karapatan na saliksikin ang isang tao o maggalugad ng kabahayan o sasakan - at kailan sila may kapangyarihan na mang-aresto.  Ang transparensiya na ito ay maaaring makatulong na muling bigyang katiyakan ang mga miyembro ng komunidad tungkol sa kanilang mga karapatan.  

Maglaro ng basketbol!
South Sudanese All Stars win at basketball
The South Sudanese All Stars play the Victorian Police at Eagle Stadium (Photo by David Chiengkou for SBS) Source: SBS
Ilang buwan ang nakakaraan mahigit 200 kabataang South Sudanese ay nagtipon para sa isang regular na friendly basketball match kasama ng Victorian Police upang magkaroon ng higit na pag-uunawaan matapos ang ilang negatibong balita na tinanggap ng komunidad dahil sa ilang serye ng krimen na ginawa sa mga arabal sa Timog Silangan ng Melbourne.  Nasaksihan at nag-ulat ang SBS Dinka tungkol sa laro - basahin ang iba pang detalye na nasa ibaba.
Mga programang pang-komunidad sa buong bansa
Ang mga programang African All Stars cup at ang Coffee with a Cop ay dalawa lamang sa maraming iba oang inisyatibang multikultural na nagtatampok ng pakikipag-ugnayan ng kapulisan na isinasagawa sa buong bansa upang maabot ang iba't ibang komunidad na may magkakaibang kultura at lenggwahe.  Narito ang ilang iba pa, na nakatala sa AIC Research publication na Crime prevention programs for culturally and linguistically diverse communities in Australia

- A Journey of Understanding (Vic) 
Migrant Information Centre (iba't ibang programa) (Vic) 
Migrant Resource Centre of South Australia (iba't ibang programa) (SA)
- Short Story Big Screen (ACT)

Makipag-usap sa inyong lokal na kinatawan ng Multicultural Police

Ang mga organisasyon ng pulis sa karamihan ng mga estado at teritoryo ay naglunsad ng ilang uri ng inisyatiba upang abutin ang iba't ibang komunidad, kabilang ang mga katutubong komunidad, madalas nakikipag-ugnayan sa mga espesyal na opisyal ng pulisya para sa gawain.
Sa Sydney, ang programang MCLO (Multicultural Community Liaison Officers) ay nag-eempleyo ng mga sibilyang opisyal na kumakatawa sa mahigit 40 magkakaibang grupo ng lenggwahe.  Ang kanilang tungkulin ay patatagin ang mga ugnayan at padaliin ang komunikasyon sa pagitan ng pulisya at iba't ibang komunidad na magkakaiba sa kultura at wika.  Kung kailangan mong mag-ulat ng krimen o may anumang mga alalahanin palagiang maaaring makipag-usap sa isang opisyal sa iyong wika.

Narito ang ilan sa mga programa na umiiral sa sa buong estado - i-click ang mga link para sa dagdag na impormasyon kung paano makikipag-ugnayan at makilahok. 

Impormasyon sa inyong wika

Ang mga yunit ng pulis sa buong Australya ay naglalathala ng mga kapaki-pakinabang na impormasyon tungkol sa mahahalagang isyu para sa komunidad at kaligtasan tulad ng karahasan sa tahanan, kaligtasan sa kalsada, paglaban sa terorismo at mga abiso ng kriminal na paglabag sa iba't ibang wika.  Sundan ang mga link sa itaas para malaman ang mga serbisyo sa inyong wika sa inyong estado.



Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda, Genevieve Dwyer
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand