Settlement Guide: Paano tulungan ang inyong anak na magkaroon ng pinakamahusay na karanasan sa paaralan sa Australia

Ang pagkakaroon ng matatag na edukasyon ay madalas na isang malaking prayoridad para sa mga bagong migrante sa Australya, ngunit paano maaaring matiyak na ang inyong mga anak aay magkakaroon ng pinakamahusay sa mga karanasan?

students

Source: WikiCommons

Hinihikayat ng mg eksperto sa edukasyon ang mga magulang at tagapag-alaga na aktibong makisali sa pag-aaral at pagkatuto ng kanilang mga anak.

Narito ang ilan sa mga paraan kung paano ninyo matutulungan ang inyong anak na magkaroon ng mas mahusay na karanasan sa paaralan.

Positibong makipag-ugnayan sa edukasyon ng inyong anak

Ang pagtiyak na ang inyong anak ay pumapasok sa paaralan bawat araw ay susi. Ang kanilang pagdalo ay maaaring magkaroon ng malaking impluwensya sa edukasyonal na kalalabasan ng inyong anak

Maaaring matulungan ang inyong anak na palaging pumasok sa paaralan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng positibong saloobin at pag-uugali kaugnay ng pagkatuto at edukasyon. Gumawa ng pang-araw-araw na karaniwang gawain na makakatulong sa inyong anak na pumasok sa paaralan nang walang alalahanin.

Manatiling may alam tungkol sa paaralan at makibahagi

Makakabuti na maging pamilya sa mga pangkaraniwang gawi ng mga paaralan sa Australya tulad ng pagbibigay sa bata ng baon o lunch box o maging nasa oras upang sunduin ang inyong anak pagkatapos ng klase.  Maraming aktibidad na maaaring gawin sa labas ng paaralan na maaaring makatulong sa inyong anak, maaaring pag-usapan ang tungkol sa klase at magtanong tungkol sa kanilang mga pinag-aaralan, o tanungin sila kung ano ang nakakatuwang nangyari sa kanilang araw sa paaralan.

Hikayatin sila sa pagbabasa

Children prefer to read books on paper rather than screens
Research has found that the more devices a child had access to, the less they read in general. Source: LightRocket
Regular na magbasa kasama ng inyong anak o hilingin na magbasa sila.  Ganunpaman, mabuting magtakda ng mga inaasahan na kayang maabot.  Napag-alam ng 2009 OECD report na ang mga kabataang mag-aaral na may mga magulang na madalas na magbasa kasama nila sa kanilang unang taon sa primarya ay mas mataas ang iskor kaysa sa mga mag-aaral na may mga magulang na madalang o hindi nagbabasa kasama nila.

Aktibong makilahok sa mga pagpupulong ng mga magulang at guro

Ang pagdalo sa mga parent-teacher meeting, na karaniwang nangyayari dalawang beses kada taon ay pangunahing paraan upang makipag-ugnayan sa paaralan. Ito ay harapan at isahang talakayan sa pagitan ng magulang at guro.

Nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga magulang na makausap ang guro ng inyong anak at magkaroon ng magandang relasyon sa paaralaan ng inyong anak.  Iminumungkahi na kayo ay dumalo sa panayam nang may bukas na isipan at makipag-usap nang matapat.  Karamihan ng mga paaralan ay may akses sa mga tagapag-salin o translator, ayon sa pagkaka-iba-iba ng komunidad.
A teacher points at a board during a lesson
A survey says schools are leaning on fundraising and teachers are paying for classroom supplies. (AAP) Source: AAP

Magboluntaryo sa paaralan ng inyong anak

Ang pakikibahagi sa buhay-eskwela ng inyong anak ay hindi natatapos sa pagdalo sa mga pagpupulong.  Maaari kayong magboluntaryo sa pakikinig para sa pagbabasa ng mga bata sa silid-aralan, tumulong sa mga palaro, sa kantina o maging sa hardin.  Ang pagsali sa isang organisasyon ng mga magulang na konektado sa paaralan ay isa pang paraan upang lumahok.

Iba pang impormasyon

Ang My School website ay nagbibigay ng mahahalagang impormasyon upang makatulong sa paggawa ng matalinong pagpapasya tungkol sa edukasyon ng inyong anak.

Kapaki-pakinabang online ipinapaliwanag ng Guide for Parents on School Boards and School Councils ang ila sa paraan upang makilahok sa paaralan ng inyong anak at iba't ibang sistema ng paaralan sa buong Australya.

May kaugnayan: Testing Teachers ay magsisimula sa MIyerkules, ika-19 ng Abril, 8.30 ng gabi sa SBS at mapapanood kahit anong oras sa SBS on Demand matapos na ipalabas. Panoorin ang trailer:



Share

3 min read

Published

Updated

By Ildiko Dauda, Nilgün Kılıç

Presented by Annalyn Violata




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand