Settlement guide: Paano mas magiging abot-kaya ang pabahay sa Australya

Are you suffering housing stress? Here are some ways Australia could ease the crisis.

housing

Australians have an expectation that the government should try to do more to make housing more affordable. Source: AAP

Pagpapatayo ng dagdag na mga tahanan

Ang pagpapatayo ng mga dagdag na tahanan ay isang pangunahing dahilan upang mapagaan ang pagiging abot-kaya ng pabahay.  Sa Pampederal na Badyet 2017-18 inihayag ng pamahalaan na dadagdagan nito ang pagpapatayo ng pabahay sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pamahalaang pang-estado at teritoryo upang itakda ang mga target ng suplay ng pabahay at mapadali ang pagpa-plano at reporma sa pag-so-sona.

Plano din ng pamahalaan na magtayo ng isang bilyong dolyar na National Housing Infrastructure Facility upang bumuo ng mga bagong pabahay at apartment sa mga piliping lugar.
Houses
Building more homes has been suggested as one way to ease the housing crisis in Australia. Source: Getty Images

Pag-iba-ibahin ang mga pagpipiliang pabahay

Sa nagbabagong pangangailangan ng merkado, mabuti na suriin ang mga batas sa pagpa-plano paminsan-minsan at alisin ang minimum na limitasyon sa sukat ng bahay o flat.

Maraming tao ang hindi makapasok sa merkado dahil sa average, mas malaki ang mga bahay sa Australia, kaya kailangang manghiram ng mas malaking halaga ng pera upang bumili ng mas malaking bahay.

Iniharap na ng pamahalaang NSW ang isang plano na nagtatakda ng sampung porsyento na target para sa mga developer sa ilang lugar sa Sydney upang gumawa ng mga abot-kayang pabahay.

Baguhin ang negative gearing

Isang kontrobersyal na isyu ang negative gearing sa hanay ng pulitika sa Australya.

Ano nga ba ang negative gearing? Ito ay isang iskim na nagpapahintulot sa mga namumuhunan na nalugi na bawasan ang buwis na kanilang binabayaran sa anumang kita.

Ikinakatwiran ng mga kritiko ng negative gearing na ang iskim ay humikihayat sa mga tao na gawing labis ang pamumuhunan sa mga pang-residensyal na pag-ma-may-ari at pataasin ang merkado, binabawasan ang pagiging abot-kaya ng pabahay para sa mga unang pagkakataong bibili ng bahay o first home-buyers.
Homeless
The government has announced plans to set up a new agency to help alleviate the growing problem of homelessness. Source: AAP

Gumawa ng matitirhan para sa mga walang matirhan

Para sa pang-matagalang solusyon pina-plano ng pamahalaan na magtatag ng isang bagong kasunduan - ang National Housing and Homelessness Agreement kung saan ang pagpopondo ay upang makatulong sa mga tao na walang tirahan at para doon sa mga nangangailangan ng akomodasyon na tinatawag na crisis accommodation.

Magbigay ng dagdag na panlipunang pabahay o social housing

Kayo ay maaaring karapat-dapat para sa social housing na ibinibigay ng pamahalaan upang tulungan ang mga taong mababa ang kita, mga taong hindi kayang makabili ng sariling bahay o may problema sa pag-upa sa pribadong sektor.

Kailangan pa rin ninyong magbayad ng renta, ito ay iaakma upang ito ay hindi kailanman maging mahigit sa 25 porsyento ng inyong kita, kabilang ang suweldo at mga bayad mula Centrelink.

Para sa mga dagdag na impormasyon, magtungo sa Social housing income and assets limits.

Image

Mga magagamit na link

Para sa dagdag na impormasyon tungkol sa inyong awtoridad ng pabahay sa inyong estado, magtungo sa:

ACT: http://www.communityservices.act.gov.au/hcs
Backyard
Australia's love affair with the backyard may have to change if calls for smaller houses to help the housing shortage gain momentum. Source: AAP

Share

3 min read

Published

By Ildiko Dauda

Presented by Annalyn Violata




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand