Settlement guide: Paano protektahan ang iyong tahanan at nilalaman nito laban sa pinsala o pagnanakaw

Naghahanap ka ba ng 'contents insurance' o seguro para sa laman ng iyong tahanan? Narito ang ilang tip upang makapagsimula.

Two burglars at work in an one-family house at daytime

Finding the right insurance for you is a valuable way of protecting your household goods. Source: Getty Images

Gumawa ng imbentaryo

Bago kumuha ng anumang polisa o insurans, gumawa ng isang listahan, ito ay mapapakinabang! Maaari kang gumawa ng isang imbentaryo ng kung ano ang iyong pag-aari at suriin ang magagastos ng pagpapalit ng bawat bagay.  

Dapat mo ring kuhanan ng mga larawan ang lahat ng bagay at huwag kalimutan na itago ang mga resibo ng mga bagay na iyong binili.

Maari mong gamitin ang content calculator kapag lumikha ka ng imbentaryo ng iyong mga kasangkapan at kagamitan.
Taking notes
Make a list of everything of value that you own and want the insurer to cover. Source: AAP

Maghanap ng naaayon na seguro (insurance)

Maraming paraan upang makakuha ng seguro para sa inyong mga kagamitan (contents insurance). May mga hiwalay at pangkomersyo na mga site upang makapagkumpara.

Ngunit ang pinakamahusay na gawin, anuman ang iyong tahaking paraan, ay kumuha ng tatlong presyo mula sa tatlong  magkakaibang insurer.

Kung kayo ay may mga gamit na mamahalin na hindi sakop ng  inyong polisa o insurans, kayo ay palagiang maaaring madagdag ng ekstensyon kung kinakailangan..

Magbigay ng tumpak na impormasyon

Dapat na palaging ibigay ang tumpak na impormasyon sa inyong insurer. Tiyakin na hindi mas mababa ang iyong tantiya sa halaga ng iyong mga gamit.

At muli, itago ang mga resibo, mga rekord at larawan at huwag kalimutan na i-update ang iyong imbentaryo kada taon at kung kinakailangan, ang iyong polisa o insurans..
Jewellery
Shop around for a policy that best suits your needs and protects all that is important to you. Source: AAP

Basahin ang maliliit at buong detalye o fine print

Ang bawat polisa ng insurans ay magkakaiba, kaya kailangan basahin ang bawat maliit na detalye o fine print.

Sakop ng ilan ang accidental damage o hindi inaasahang pinsala habang ang ilan ay hindi. Ang ilan ay sakop ang isang piraso ng  alahas hanggang limang daang dolyar, ngunit maaaring ikaw ay may mamahaling singsing na mangangailangan ng dagdag na insurans.  O halimbawa para sa ilang insurer, kailangang mayroon kang flood cover o polisa kaugnay ng baha.

Magtanong at maghanap ng mas mahuhusay na polisa bawat taon dahil sa pangkalahatan ang mga insurer ay may mahusay na alok para sa mga bagong kliyente.

Mga magagamit na link

Understand Insurance, isang inisyatiba ng Insurance Council of Australia

www.understandinsurance.com.au 

www.understandinsurance.com.au/calculators 

Find an insurer (para ikumpara ang mga insurer) 

www.findaninsurer.com.au

- Impormasyon tungkol sa insurans para sa tahanan at nilalaman (home and contents insurance) mula sa Australian consumer advocay group Choice 

www.choice.com.au/money/insurance/home-and-contents
Flooded house
Always read the fine print, some insurers may charge additional costs for events like flooding. Source: AAP

Share

2 min read

Published

Updated

By Ildiko Dauda

Presented by Annalyn Violata




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand