Settlement Guide: Tala ng impormasyon para sa mga umuupa sa Australia

Para sa mga bagong dating, isa sa mga pinakamahirap ay ang paghanap kung saan titira. Kung kayo ay unang pagkakataon na uupa, narito ang ilang bagay na kailangan ninyong malaman upang makapagsimula.

For Rent signpost on sky

Announcement signpost For Rent on the blue sky, three-dimensional rendering, 3D illustration Source: Getty Images

Basahing mabuti ang inyong kasunduan ng pangungupahan o residential tenancy agreement

Ang residential tenancy agreement, na kilala din bilang kasunduan ng pag-upa, ay isang ligal na dokumento. Kabilang dito ang mga termino tulad ng halaga ng upa na kailangan ninyong bayaran at kung paano ito babayaran.  Ang haba at uri ng pangungupahan, ang halaga ng bond na kailangan at iba pang kondisyon at mga tuntunin.  Ganunpaman, huwag na huwag kayong pipirma sa anumang dokumento na hindi ninyo nauunawaan.
Rental agreement
rental agreement form Source: Getty Images

Bayaran ang inyong garantiya (bond)

Ang inyong garantiya o bond ay isang hiwalay na bayad mula sa inyong upa.  Ito ay bilang garantiya para sa inyong landlord o nagpapa-upa kung hindi ninyo matutugunan ang mga tuntunin ng inyong kasunduan ng pag-upa. Halimbawa sa Victoria, ang bond ay binabayaran sa Residential Tenancies Bond Authority kung saan ito ay kanilang pinanghahawakan hanggang sa katapusan ng inyong kasunduan ng pag-upa.
Australian bank notes
Scattered Australian Cash Source: Getty Images

Sagutan ang isang ulat ng kondisyon ng inyong bahay na inyong uupahan

Kapag kayo ay lilipat sa inyong uupahang lugar, sagutan ang isang ulat ng kondisyon ng lugar na inyong uupahan, ilista ang pangkalahatang kondisyon ng lugar o bahay, kasama ang kasangkapan at mga nakakabit na gamit at ibalik ito sa real estate agent o sa landlord sa loob ng pitong araw. Kailangang magkasundo kayo at ang nagpapa-upa sa nilalaman ng ulat ng kondisyon ng inyong inuupahan bago kayo pumirma.
House for lease
Source: AAP/Tracey Nearmy

Itago ang lahat ng kopya ng inyong mga kasunduan at mga pinirmahang dokumento

Ipinapayo na magtago kayo ng kopya ng inyong kasunduan ng pag-upa (residential tenancy agreement), ulat ng kondisyon (condition report), mga resibo sa inyong mga bayad ng upa at bond, mga sulat, email at anumang nakasulat na dokumento.
File Cabinet
Searching In File Cabinet Source: Getty Images

Alamin ang inyong mga karapatan at tungkulin

Halimbawa sa NSW, kayo ay may karapatan na tutulan ang pagtaas sa upa o ireklamo ang inyong landlord na naging pabaya sa pag-mintina ng bahay o lugar, sa pamamagitan ng NSW Civil and Administrative Tribunal.
Suburban houses
Source: AAP/Julian Smith


Ang mga kaalaman, mga bidyo at iba pang impormasyon tungkol sa mga karapatan at tungkulin ng mga umuupa ay mayroong umiiral sa bawat estado at teritoryo sa iba't ibang wika.

Para sa NSW, bisitahin ang www.fairtrading.nsw.gov.au

Para sa Victoria, bisitahin ang www.consumer.vic.gov.au


Share

Published

Updated

By Ildiko Dauda
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand