Settlement guide: Mga maaaring gawin at hindi gawin sa pagbisita sa isang pambansang parke

Bibisita sa isang pambansang parke? Narito ang ilang tip upang masulit ang inyong pagbisita.

Uluru

Sunrise at Uluru Source: Getty Images

Ang Australia ay tungkol sa mga gawaing panlabas, at ang mga pambansang parke ay mahusay na paraan upang tuklasin ang natural na kapaligiran.  Nais man ninyong sumisid sa Great Barrier Reef, pagmasdan ang mga iba't ibang ligaw na hayop sa Kangaroo Island o iugnay ang inyong sarili sa kulturang Aborihinal sa Uluru, ang pag-protekta sa inyong sarili at sa kapaligiran ay mahalaga.

Una, magsaliksik tungkol sa inyong destinasyon sa online

Bago bumiyahe o magtungo sa inyong destinasyon, palnuhin ang inyong pagbisita sa pamamagitan ng online sa mga website na pinamamahalaan ng gobyerno (tignan ang tala sa ilalim).  

Marami kayong malalaman tungkol sa natural na kapaligiran, mga pasilidad sa lugar at impormasyon tungkol sa mga bayad upang makapasok o entry fees, mga aktibidad at mga bagong balita tungkol sa panahon.
Laptop
Research your destination to check things like weather and entry fees if applicable. Source: AAP

Huwag hawakan o lakaran ang mga makasaysayang o Aborihinal na lugar

Ang mga pambansang parke ay karaniwang mga lugar sa kagubatan o mga lugar na may mahalagang kabuluhan sa kultural para sa mga katutubong tao sa Australya.

Kabilang dito ang mga rock art o mga sining na matatagpuan sa malalaking bato, mga lugar ng pagpupulong, seremonyal na kasanayan at lugar na may kabuluhan sa kultura.

Pinamamahalaan ng Pamahalaang Australia ang anim na pambansang parke at 13 marine reserve, madalas sa pakikipagtulungan sa mga katutubong tradisyonal na nagmamay-ari ng lupa o lugar.
Aboriginal carvings on Flinders Island
Aboriginal rock art is often protected, make sure you're aware of the rules when viewing. Source: Getty Images

Kailangan ba akong magbayad?

Maraming pambansang parke ay naniningil kapag kayo ay pumasok na mayroong sasakyan, ngunit libre kapag kayo ay naglalakad o naka-bisikleta.

Kung kayo ay madalas na bumibisita sa isang pambansang parke, ang pagbili ng 'passes' na maaaring sakop ang mga araw ng opisyal na bakasyon, ilang araw o isang buong taon, ay maaaaring makatulong sa inyo na makatipid.

Karamihan ng mga estado ay nagbibigay ng mga passes upang makapasok sa maraming parke, ganunpaman, hindi maaaring magamit sa iba't ibang estado.

Paano ako mananatiling ligtas?

Kapag nagdesisyon kayo na bumisita sa isang pambansang parke sa isang malayong lugar sabihin ito sa kakilala o kapamilya bago ito gawin.  

Iminumungkahi na magdala ng pagkain, tubig at mainit na kasuotan.  Huwag na huwag maglalakad sa hindi namarkahang daanan at palaging manatili sa likod ng mga bakod pangseguridad.
Kosciuszko National Park
Don't forget to tell someone if you are going to a remote location, for a walk or camping as seen here in NSW's Kosciuszko National Park. Source: Getty Images

Maging matalino sa pagsabak sa araw at paglalangoy

Ang mensahe ng pagiging matalino pagdating sa ilalim ng araw ay para din sa mga pambansang parke.  Maglagay ng proteksyon mula sa araw o sunscreen at magsuot ng sumbrero!

Kapag kayo ay maglalangoy, palagiang alamin ang lalim, temperatura at lakas ng alon.  Mag-ingat kapag kayo ay naglalakad sa mga bato sa tabing-dagat, at huwag masyadong lumapit sa tubig kung saan mayroong mga buwaya.

Dalhin ang inyong mga basura sa inyong pag-uwi

Sumasaklaw sa apat na porsyento ng lupain ng Australyam ang mga pambansang parke ay mga protektadong lugar na madalas ay hindi nagagalaw na mga tanawin, at iba't ibang uri ng halaman at mga hayop.

Ang pag-iiwan ng mga basura ay nagiging sanhi ng malubhang pinsala sa kapaligiran.  Kaya pagkatapos ng inyong masayang BBQ o piknik sa inyong paboritong pambansang parke, dalhin at iuwi ang inyong mga basura o kalat!

Para sa dagdag na impormasyon bisitahin ang Parks Australia https://parksaustralia.gov.au/

Image

Mahahalagang link:

- Parks Victoria: http://parkweb.vic.gov.au/

- Northern Territory Parks and Wildlife Service: https://dtc.nt.gov.au/

- NSW National Parks and Wildlife Service: http://www.nationalparks.nsw.gov.au/

- Queensland Department of National Parks, Recreation, Sports and Racing: https://www.npsr.qld.gov.au/

- National Parks South Australia: http://www.environment.sa.gov.au/parks/Home

- Western Australia Department of Parks and Wildlife: https://www.dpaw.wa.gov.au/

- Tasmania Park and Wildlife Service: http://www.parks.tas.gov.au/

Image


Share

3 min read

Published

Updated

By Ildiko Dauda

Presented by Annalyn Violata




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand