1. Ang lahat ng mamamayang Australyano na may gulang 18 pataas ay kailangan magparegistro sa Australian Electoral Commission upang makaboto
Ang pagpapatala ay hanggang ika-walo ng gabi ng ika-23 ng Mayo, sa AEC at kailangang magtungo kayo sa lugar ng pagbobotohan sa araw ng halalan.

Source: AAP
2. Kapag nakapagparehistro na, maaari kayong pagmultahin kapag kayo ay hindi nakaboto bago o sa araw mismo ng halalan
Kahit na kayo ay nakapagpatala na para makaboto, kung kayo ay nagpalit ng pangalan o tirahan, kailangan pa rin ninyong i-update ang inyong mga detalye sa
AEC.

Source: AAP
3. Maraming partido ang magbibigay ng mga polyetos kung paano bumoto
Inyong iboto ang kandidato na nais ninyo at hindi dapat na magpalinlang sa inyong matatanggap na mga materyal o papel sa lugar ng botohan.

Source: AAP
4. Ang mga kandidato ay inihahalal sa pamamagitan ng preferential voting system
Kayo ay bibigyan ng dalawang balota. Ang berdeng balota ay para iboto ang lokal na kandidato para sa Kongreso. Habang ang puting balota ay para sa pagboto ng isang senador mula sa inuong sariling estado o teritoryo. Sa balota para sa pagpili ng senador, maaari ninyong markahan ang inyong pipiliin sa pamamagitan ng partido na nasa itaas ng linya, o lagyan ng bilang ang inyong pinipiling kandidato sa ibaba ng linya.

5. Pagboto habang nasa ibayong dagat at sa pamamagitan ng koreyo
Kung kayo ay mga botanteng nasa ibayong dagat, ang mga balota ay kailangang makumpleto at maipadala pabalik sa AEC sa araw o bago ang araw ng halalan.

Source: AAP