Settlement Guide: Ano ang ibig sabihin ng kalayaan ng relihiyon sa Australya?

Ang Australia ay isang sekular na bansa na nagbibigay ng kalayaan sa relihiyon. Sa SBS Radio Settlement Guide ngayong linggo, pag-aralan natin kung ano ang ibig sabihin nito.

Religions

Religions Source: Getty Images

Ano ang sekularismo?

Ang Australya ay isang sekular na bansa mula pa noong Pederasyon noong taong 1901. Nangangahulugan ito na ang Estado at Simbahan ay hiwalay, at dahil dito, ang gobyerno ay hindi manghihimasok sa pagsasagawa ng relihiyon.

"Ang sinasabi ng sekularismo sa Australya ay kung gusto mong ipahayag ang iyong paniniwala sa relihiyon tulad ng ethanasia o pagpatay dahil sa awa, sa terorismo, sa mga batas sa pag-aasawa, sa pagpapalaglag - magagawa mo ito," paliwanag ni Dr. Renae Barker, isang lekturer sa batas sa University of Western Australia.

"Ngunit ang iyong mga pananaw ay hindi mas mahalaga kaysa sa pananaw ng isang tao mula sa ibang relihiyon o maging isang tao na walang relihiyon."

Ano ang kalayaan sa relihiyon?

Ang mga Australyano ay maaaring isagawa ang relihiyon na kanilang pinili at ipahayag ang kanilang mga paniniwala sa publiko. Habang karamihan ay mga Kristiyano (52 porsiyento), halos isang katatlo ng mga Australyano ang nagsasabi na sila ay hindi relihiyoso. Medyo nahuhuli, ang iba pang mga pinaka-karaniwang relihiyon ay ang Islam at Budismo.



Ang mga relihiyon tulad ng Islam, Budismo at Hinduismo ay hindi bago sa Australya; sila ay umiiral mula pa nang ika-19 na siglo.

Women wear hijabs outside Parliament House in Canberra
Source: AAP
Ang mga tao ay malayang pintasan ang relihiyon, sa parehong paraan na pinahihintulutan ang mga tao na ipagtanggol ang kanilang relihiyon.

Hindi perpekto ang Sekularismo

Kahit na ang Australya ay halos-sekular, maaari mo pa ring makita ang pag-aninag ng mga Kristiyanong paniniwala sa ilang mga batas.

Ngunit sinabi ni Dr. Renae Barker, ito ay nagsisimulang magbago: "Iyon ay hindi na maaaring angkop sa isang lugar kung saan mayroon tayong mga tao na mula sa iba't ibang mga pananampalataya: Hinduismo, Islam, Budismo ay pawang mabilis na lumalagong pananampalataya dito sa Australia, katulad ng mga taong walang relihiyon . "

"Sila ay bumubuo sa malaking porsyento ng populasyon ng Australya ngayon, na hindi ito ang kaso nang panahon ng pederasyon.

"Bilang resulta, sinimulan nating ayusin at baguhin ang ating mga batas upang subukan at mapaunlakan ang iba't ibang mga boses at madalas ang ibig sabihin nito na higit pang tinatanggal ang relihiyon sa mga batas dahil ito ay hindi na kumakatawan sa karamihan.

Halimbawa, ang mga kasalukuyang batas na pumipigil sa pag-aasawa ng parehong kasarian ay nakaugat sa mga paniniwala sa relihiyon.

Image

Ang kalayaan sa relihiyon ay hindi ganap

Karamihan sa mga prinsipyo ng relihiyon ay iginagalang sa Australya, hangga't hindi sila lumalabag sa mga batas.

Halimbawa, hindi ka maaaring mag-asawa kung ikaw ay isang menor de edad, kahit na pinapayagan ito ng ilang relihiyon.

Anyo ng relihiyon sa Australya sa pamamagitan ng numero

52 porsyento ng populasyon ng Australya ay Kristyano ay mga Kristiyano (ang pinakamalaking subgroup ay Katoliko sa 22.6 porsiyento). 50 taon na ang nakaraan, 88 porsiyento ng mga Australyano ay mga Kristiyano.

Ang porsyento ng mga Australyano na nagsasabi na wala silang relihiyon (30.1 porsyento) ay tumaas ng halos 5 porsiyento sa pagitan ng taong 2011 at 2016.

Ang Australya ay nagiging mas magkakaiba sa relihiyon. Sa taong 2016, 2.6 na porsyento ng mga Australyano ang nagsasabing silaa ay sumusunod sa Islam, 2.4 na porsiyento ay Budismo, 1.9 na porsyento ay Hinduismo at 0.5 porsiyento ay Sikhismo.

Alamin ang higit pa tungkol sa mga resulta ng sensus ng Australia pagdating sa relihiyon dito.


Share

Published

By Audrey Bourget
Presented by Annalyn Violata

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand