Settlement Guide: Ano ang pang-aabuso sa mga matatanda? Paano ito mapapansin at maiiwasan?

Madalas kapag ang mga relasyon ng pamilya ay nasira o nabibigo, ang pang-aabuso sa matatanda ay maaaring lumabas. Mahalaga na ikaw ay may gawin kung sa tingin mo'y ikaw o isang kakilala ay biktima nito.

Elderly woman

Elderly woman Source: PEXELS

Para sa mga matatandan na maaaring orihinal na dumating sa Australya bilang mga migrante, may mga karagdagang balakid sa paghahanap ng tulong, tulad ng isolasyon o pagkakahiwalay, o kakulangan ng mga kasanayan sa wika pagdating sa pag-uulat ng pang-aabuso. Gayunman, may mga magagamit na tulong para sa mga migranteng komunidad.

Ano ang pang-aabuso sa matatanda?

Aged care
Source: Department of health


Binigyang-kahulugan ng World Health Organisation ang pang-aabuso sa matatanda (Elder Abuse) bilang anumang solo o paulit-ulit na akto, o kakulangan ng aksyon sa isang relasyon "kung saan may inaasahang tiwala na nagiging sanhi ng pinsala o pagkabalisa sa isang matandang tao (where there is an expectation of trust which causes harm or distress to an older person)."
Ang pang-aabuso sa matatanda ay nakakaapekto sa hanggang 10 porsyento ng pandaigdigang populasyon ngunit karamihan sa mga kaso ay hindi naiuulat.
Sa 90 porsyento ng pang-aabuso sa mga matatanda, ang may kasalanan ay isang miyembro ng pamilya. "Kapansin-pansin, na sa karanasan ng parehong Advocare at sa ipinapakita ng pananaliksik na ang mga anak, lalaki o babae, ang kadalasang nang-aabuso sa mga matatanda" (“Overwhelmingly, the experience at both Advocare and through research shows that sons and daughters are the most likely abusers of older people.”) – CEO Advocare, Greg Mahney. 

Ang mga matatanda na may limitadong kasanayan o kaalaman sa wikang Ingles ang madalas na madaling mabiktima ng pang-aabuso ng kanilang mga pamilya at kaibigan.

Ano ang mga palatandaan?

Ang mga matatanda na may kakaunting kasanayan o kaalaman sa wikang Ingles ay madalas na madaling mabiktima ng pang-aabuso ng kanilang pamilya o mga kaibigan.
Omar
Source: Pexels
At ang pagkilala sa pang-aabuso sa matatanda ay maaaring maging ay maaring maging mahirap. Ang pang-aabuso ay maaaring banayad o sadyang nakatago at ang maaaring atubili ang mga matatanda na talakayin ang isyu. Halimbawa, ang isang matanda na may kakulangan sa network o kakilala sa komunidad ay maaaring umaasa sa isa o dalawang miyembro ng pamilya, na maaaring manamantala sa mga ito. 

“Napakadali para sa mga taong iyon na mapapirma ang isang matanda sa isang bagay na hindi nila nauunawaan ang kanilang pinipirmahan." (It's very easy for those people to get the elderly person to sign something that they didn't understand what they are signing.”) - Aged Care Manager, Alexander Abramoff. 

Ang pinaka-karaniwang uri ng pang-aabuso sa matatanda ay pinansyal

Ang pang-aabuso sa matatanda ay hindi lamang nangangahulugan ng pisikal na pag-abuso - saklaw din nito ang sikolohikal na pang-aabuso, pang-ekonomikong pang-aabuso at pagpapabaya.

Ang pinaka-karaniwan ay pinansyal na pang-aabuso.  Ito ay maaaring pagnanakaw ng pera mula sa isang matanda, pagpilit sa kanila na palitan ang kanilang testaento o huling habilin o pagpalsipika ng knailang pirma sa isang dokumento ng bangko.
Credit Cards
Source: Pixabay
Ilang tao ay gumagamit ng Power of Attorney upang abusin ang matatanda - pagkuha ng pamamahala sa kanilang mga gawaing pinansyal at legal.

“Ang kakayahan sa wika ay naglilimita sa network ng mga mas nakakatandang migrante at naglilimita din sa kanilang pag-unawa ng mga pinansyal at legal na desisyon." ("Language abilities limit the network of older migrants and also limits their understanding of financial or legal decisions.” - Aged Care Manager, Alexander Abramoff. 

Paano makakahingi ng tulong?

Elder Abuse prevention and support
Source: NSW Elder Abuse prevention


Walang mga ipinag-uutos na batas ng pag-uulat para sa pang-aabuso sa mga matatanda sa anumang estado at teritoryo sa Australya.

Gayunpaman, ang bawat estado o teritoryo ay may organisasyon na sumusuporta sa mga biktima ng pang-aabuso. Kung ikaw o isang taong kakilala mo ay maaaring nakakaranas ng pang-aabuso, mayroong tulong na maaaring magamit.

Hanapin ang helpline ng inyong estado sa My Aged Care website.  
Kung ika o isang kakilala ay nakakaranas ng pang-aabuso, may tulong na maaaring magamit.
Ngunit ang pag-uulat ng pang-aabuso ay mas mahirap kung ang bktima ay hindi masyadong nakakapagsalita ng wikang Ingles.  Kung ibang wika ang ginagamit maliban sa Ingles, makipag-ugnayan sa National Translating and Interpreting Service (TIS) sa 13 14 50. At kung hindi makakatawag sa helpline, may ibang tao mga tao na maaaring magtiwalaan tulad ng iyong GP, isang lider ng pananampalataya o kahit na isang kaibigan na inyong pinagkakatiwalaan.

Pagtataas ng Kamalayan

Free from abuse
Source: NSW Elder Abuse prevention


Sinusuportahan ng UN ang mga prinsipyo ng kalayaan, paglahok, pangangalaga, sariling pagsasagawa at dignidadItinalaga ng General Assembly nito ang ika-15 ng Hunyo bilang World Elder Abuse Awareness Day

upang tutulan ang pang-aabuso sa mga matatandang tao, pinakakaraniwan na gawa ng kanilang mga pamilya. Ang tema sa taon ito ay 'Maaaring Mapigilan ang Pang-aabuso sa Matatanda' ('We Can Stop Elder Abuse').  Maaari kang makibahagi sa pamamagitan ng paglahok sa isang kaganapan sa inyong komunidad o sa pamamagitan ng pag-aayos ng iyong sariling event.  Halimbawa, maaari kang magsuot ng kulay lila sa araw na ito, magtanim ng isang puno, mag-ayos ng isang meryenda o tsaa o magplano ng paglalakad upang magtaas ng kamalayan!

Mga iba pang impormasyon: 

Mga impormasyon sa inyong wika:

Magagamit na mga link at numero ng telepono

Victoria: Seniors Rights
Helpline: 1300 368 821

Helpline: 1800 628 221

Western Australia: Advocare
Helpline: 1300 724 679 (Perth)

1800 655 566 (rural)

Helpline: 02 6205 3535

Northern Territory: Emergency Services
Helpline: 131 444

Helpline: 1300 651 192

South Australia: Aged Rights
Helpline: 08 8232 5377 (Adelaide)

1800 700 600 (rural)

Helpline: 1800 441 169

Share

5 min read

Published

By Ildiko Dauda

Presented by Annalyn Violata




Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand