Settlement Guide: Ano ang mga karapatan mo sa trabaho?

Mahalaga para sa mga migrante tulad ng bawat Australyano, ang malaman kung ano ang mga karapatan nila bilang isang manggagawa sa Australya at kung paano magsumbong ng mga pagsasamantala.

Waiter

Source: Pixabay

"Migrants need to know that their work rights are exactly the same as those of any Australian worker," sabi ni Propesor Alan Fels, puno ng Migrant Workers’ Taskforce.

Sahod, bakasyon at karapatan

Ikaw ay may karapatan sa minimum na sahod na $18.29 o $694.90 kada 38 na oras bawat linggo (bago ang tax). Magiging mahigit pa kung ikaw ay isang kaswal na manggagawa (may kaswal na loading) o kung ikaw ay maging marapat para sa isang modernong parangal. Gamitin ang Fair Work Ombudsman’s Pay calculator upang malaman kung ano ang rate ng iyong bayad.

Maaari mo rin malaman ang tungkol sa bakasyon at karapatan sa Fair Work Ombudsman website.

Walang bayad na trabaho

Maaaring humiling ang isang tagapag-empleyo na ikaw ay magtrabaho ng walang bayad upang patunayan kung mayroon kang kakayahang kailangan.

Katanggap-tanggap ito, ngunit para lamang sa tiyak na panahon upang ipakita ang kakayahan, at kung ikaw ay pinangangasiwaan.

Halimbawa, ikaw ay nag-aplay ng trabaho bilang barista, hindi mo kailangan ng higit sa ilang oras upang ipakita na kaya mo itong gawin.
Getty Images
Source: Getty Images/hidesy


Ang mga walang bayad na internship ay legal kung ito ay bahagi ng bokasyonal na pagkakalagay o programa mula sa gobyerno.

Kung hindi iyon ang kaso, dapat ay walang relasyong empleo sa pagitan ng tagapag-empleyo at taong kumukuha ng papel.

Ibig sabihin sila ay nandun upang matuto at hindi magtrabaho bilang empleyado. Ito ay dapat para sa isang maikling panahon, at sa kapakinabangan ng taong kumukuha ng tungkulin.

Nagtatrabaho sa ilalim ng Visa

Responsibilidad mong malaman kung ano ang mga kondisyon sa trabaho ng iyong visa.

Ito ay magkaiba sa ilalim ng Student Visa dahil ito ay sa ilalim ng isang Working Holiday Visa.

Kahit hindi ka pa sumunod sa tuntunin ng iyong visa, hindi ka dapat matakot na iulat ang pagsasamantala.

"We do have a protocol in place with the Department of Immigration where your visa won't be cancelled if you believe you've been exploited at work and you report those circumstances to us," Sinabi ni Mark Lee, Director ng Media para sa Fair Work Ombudsman sa SBS Radio.

"So you don't need to worry about your visa when coming to us for help."

Pag-uulat ng pagsasamantala at pag-aabuso

Fair Work Ombudsman
Source: Fair Work Ombudsman


 

Maaaring mag-ulat ng kaso ng pagsasamantala sa trabaho sa pamamagitan ng pagtawag sa  Fair Work Ombudsman sa 13 13 94

Kung kailangan ang tagasalin, tumawag sa  TIS National sa 131 450 at ikukonekta ka nila.

Kung ayaw mong ihayag ang iyong pagkakakilanlan, maaaring gamitin ang use this anonymous tool, na makukuha sa 17 na lengwahe.

Kaligtasan sa trabaho

Ang mga manggagawa sa Australya ay may karapatan sa ligtas na lugar ng trabaho. Dapat ay magsalita kung nakakaramdam na hindi ligtas. Maaaring humingi ng tulong mula sa regulator ng gobyerno sa iyong estado. May listahan sa Safe Work Australia website.

Mga kapaki-pakinabang na link



Share

Published

Updated

By Audrey Bourget

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Settlement Guide: Ano ang mga karapatan mo sa trabaho? | SBS Filipino