700 na bagong paramediko para sa NSW

Inanunsyo ng NSW na pamahalaan na mamumuhunan sila ng $1 billion sa mga serbisyong pang-ambulansya, at para sa paghahanap ng daan-daang paramediko at call-centre na empleyado sa susunod na apat na taon.

Ambulance

The record paramedic workforce boost, will mean more paramedics for Sydney's west and southwest. (AAP) Source: AAP

Daan-daang bagong paramediko ang tuturuan ng NSW pagkatapos inilahad ng pamahalaan na "unprecedented" and pagtaas ng bilang ng mga kinakailangan nilang empleyado sa susunod na apat na taon.

Kasama sa $1 billion na puhunan ang 50 call-centre staff at mga 25 na ambulansya. Pagseserbisyuhan ng mga ito ang lumalaking populasyon sa greater Sydney.

Sa susunod na taon, 200 paramediko ang sasanayin. Ito ang pinakamataas na bilang na maaring turuan sa bawat pangkat.

Ayon kay NSW Ambulance Commissioner Dominic Morgan ang pagtaas sa bilang na ito ay "exceptional".

"This enhancement is going to deliver more paramedics than currently work in all of Tasmania and the ACT combined," sabi niya sa mga manunulat sa Sydney nitong Biyernes.

"This is unprecedented."

Sa kasalukuyan, may 32000 na full-time na paramediko sa NSW. Ito ay ayon kay Premier Gladys Berejiklian.

"We're not waiting until the community needs more paramedics, we're delivering them ahead of time," saad niya.

Ngunit, ayon sa Australian Paramedics Association (NSW), 2015 pa silang nangangampanya upang makakuha ng mga bagong paramediko. "Critical" na daw ngayon ang pangangailangan nila.

Ikinagalak ni Secretary Steve Pearce ang darating na pagtaas ng bilang ng paramediko, ngunit kinakailangan pa rin daw ng 1000 na paramediko sa susunod na tatlong taon upang talagang mapabuti ang response times.

Saad niya, "Once these new paramedics are on the ground, it will make a huge difference to spreading the workload and helping paramedics to perform the vital work they do."

Ayon kay Mr Berejiklian matagal na silang nakikipag-usap sa pamahalaan ukol dito, at ngayo'y maganda ang pinansyal na posisyong ng gobyerno at mayroon ng training systems, panahon na para sila'y mamuhunan.

Sabi naman ni Health Services Union Secretary Gerard Hayes na ang estado ay may abilidad na magturo sa 200 na paramediko agad-agad.

"It's above politics, this is people's lives being saved," sabi niya.

Dagdag ni Mr Hayes na hindi sila mahihirapang punuin ang mga posisyon.

"This opens a door for a lot of people who accrue HECS debt, who have a passion, and now there's a door open for them."

Sumang-ayon si Health Minister Brad Hazzard, at sinabi niyang ang mga paramediko ang isa sa pinakamapagkakatiwalaang propesyon sa bansa.

"We're looking forward to working with the universities to make sure we have the numbers," saad niya.

Sabi naman ng Labor's health spokesman na si Walt Secord na madalas nagtitiis ang mga paramediko sa ilalim ng "enormous pressure" at ang pagtaas nila sa bilang ay makakatulong sa pagsisiguro na mayroon silang "immediate backup" kapag kailangan.

 

BASAHIN DIN

Share

Published

Updated

Presented by Nikki Alfonso-Gregorio
Source: AAP

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
700 na bagong paramediko para sa NSW | SBS Filipino